Thursday , June 18 2026
Lex Marcelino AI Experiments A Creators Playbook

Filipino creator naglabas ng aklat ukol sa AI kahit walang coding background

ISANG Filipino creator ang nagawang gawing realidad ang simpleng curiosity sa artificial intelligence (AI) sa pamamagitan ng paglalathala ng isang aklat—kahit nagsimula siya na walang teknikal o coding na kaalaman.

Si Lex Marcelino, isang independent creator ay naglabas ng aklat na AI Experiments: A Creator’s Playbook na naglalayong ipakita kung ano ang maaaring magawa gamit ang AI kahit ng mga taong walang background sa programming.

Nakabase ang aklat sa serye ng kanyang personal na eksperimento, na sinubukan ang iba’t ibang idea—mula sa paggawa ng simpleng laro hanggang sa pagbuo ng digital content at workflows. May mga eksperimento na hindi naging matagumpay at mayroon ding nauwi sa mga functional outputs.

Hindi ito nagsimula bilang plano na gumawa ng libro. Nagsimula ito sa pag-eeksperimento,” ani Marcelino. “Naisip ko, kung ako na walang technical background ay nakagagawa (libro) gamit ang AI, baka kaya rin ng iba.”

Sa halip na puro teorya, nakatuon ang aklat sa hands-on na paggamit ng AI at praktikal na aplikasyon nito sa pang-araw-araw na paggawa at paglikha.

Ang aklat ay available na sa Amazon sa parehong digital at print format at maaari ring mabasa sa pamamagitan ng Kindle Unlimited.

Tinawag ni Marcelino ang proyekto bilang Experiment Log #001, na nagpapahiwatig na may mga susunod pang eksperimento at posibleng mga karugtong na proyekto.

Simula pa lang ito. Marami pang puwedeng tuklasin,” dagdag pa niya.

Sa patuloy na pag-usbong ng artificial intelligence sa iba’t ibang industriya, ang AI Experiments: A Creator’s Playbook ay nagbibigay ng isang praktikal at madaling maintindihang perspektibo mula sa isang taong natututo at gumagawa habang nag-eeksperimento.

Si Lex Marcelino ay isang Filipino  creator na nag-eeksperimento sa paggamit ng artificial intelligence sa larangan ng creativity at digital projects. Layunin niyang gawing mas accessible ang AI para sa mga taong walang teknikal na background sa pamamagitan ng aktwal na paggawa at pagdodokumento ng kanyang mga natutunan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rico Blanco Project Baby

Rico Blanco gusto pa ring maikasal 

RATED Rni Rommel Gonzales MAY point in time pala na pumasok sa kamalayan ni Project Baby male …

Debbie Lopez

Debbie Lopez parang nanalo na sa nominasyon sa Star Awards for Music 

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kaarawan kamakailan si Debbie Lopez sa Le Prive, isang cinema themed concept cafe …

JMRTN Ima Castro Faith Cuneta

JMRTN magtatanghal kasama sina Ima at Faith  

MATABILni John Fontanilla FRESH mula sa successful Pinoy Music Power concert series sa Toronto Canada ng tinaguriang …

Charo Cordial Kris Lawrence Katrina Halili Katie

Kris sinagot balikan nila ni Katrina 

NAGIGING palagay ang loob ng bawat celebrity na naitatampok ng Maddox Jewelry owner na si Charo …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal

Atasha Muhlach magbibida sa Bongga Ka ‘Day Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DESMAYADO ang fans ng isang singer-actress dahil hindi ang idolo nila ng nakuhang female …