Thursday , June 18 2026
Metro Manila Film Festival, MMFF

MMFF 2026 binuksan submissions at timeline ng participants 

INILABAS na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang schedule ng pagsusumite ng mga gustong sumali sa MMFF 2026.

Ang deadline ng submission ng Letter of Intent ay sa Mayo 15, 2026 na ipadadala sa email, [email protected]..

Ayon sa MMFF, ang script ay kailangang maisumite on or before 5:00 p.m. ng June 15, 2026.

Samantalang ang deadline ng finished film ay on or before 5:00 p.m.ng September 30, 2026.

Ayon sa mga tsikang nasagap namin, magco-collab sina Vic Sotto at Vice Ganda at posibleng muling gumawa ng pelikulang isasali ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sana’y matuloy nga ang collab nina Vic at Vice gayundin ang paggawa muli ng DongYang para maging masaya at masigla muli ang MMFF 2026.

Magkakaroon din daw ng Short Film Festival na pagsasamahan ng MMFF, Film Development Council of the Philippines (FDCP), at ng QCinema.

Taon-taon tuwing Disyembre, nagiging daan ang MMFF sa pagpapalabas ng mga pelikulang Filipino tuwing kapaskuhan. Nagsisilbi itong plataporma para sa parehong mainstream at independent filmmakers.

Ang ika-51 na edisyon noong nakaraang taon ay nahpalabas ng walong opisyal na mga entry na pinili mula sa 23 script na isinumite ng mga kompanya ng produksiyon. (MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Patricia Javier Imagine Me Without You

Patricia’s Imagine Me Without You music video labas na sa Youtube 

MATABILni John Fontanilla LABAS na ang Music Video ng awiting Imagine Me Without You ni Patricia Javier sa Viva YouTube …

Anna Katrina Lara

Anna Katrina excited sa Reignited concert

MATABILni John Fontanilla EXCITED na ang 2000 Metropop Grand Champion na si Anna Katrina Lara sa nalalapit na reunion …

Ryza Mae Dizon

Ryzza Mae nag-birthday sa Hongkong

MATABILni John Fontanilla LUMIPAD patungong Hongkong ang actress at Eat Bulaga host na si Ryza Mae Dizon para i-celebrate …

Sofia Pablo

Sofia Pablo may alinlangan bago sumali sa PBB

RATED Rni Rommel Gonzales NAGDALAWANG-ISIP pala si Sofia Pablo na sumali dati sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab …

Dennis Trillo Calix Ho

Dennis sobra ang pasalamat anak na naaksidente maayos at mabuti na ang kalagayan

RATED Rni Rommel Gonzales MAKALIPAS ang isang buwan mula noong maaksidente si Calix ay ibinahagi ni Dennis Trillo na …