Thursday , June 4 2026
Claudine Barretto Marcos Mamay

Claudine muling mag-aaksiyon kasama si VM Marcos Mamay 

MATABIL
ni John Fontanilla

GAGAWA ng pelikula si Claudine Barretto sa film production ni Nunungan, Lanao Del Norte Vice Mayor Marcos Mamay.

Isang action drama ang pelikulang gagawin na tungkol sa buhay ni Vice Mayor Mamay at ng mga Filipinong OFW sa Dubai, na magkakaroon ng special participation ang vice mayor.

Aminado si Claudine na drama ang kanyang forte pero minsan na rin siyang sumabak sa action with Robin Padilla. At this time, gagawa muli siya ng aksyon para kay Vice Mayor Mamay na isa sa itinuturing niyang pinakamalapit at totoong kaibigan.

Request lang ni Claudine na sa movie na gagawin nila bilang part 2 sa naunang life story movie ni Vice Mayor Mamay ay maipakita pa ang other side nito. Tulad ng kung gaano ito kabait at napakahusay na lider at kung gaano ito kamahal ng mga taga- Nunungan, Lanao Del Norte.

Excited na daw si Claudine na gawin ang pelikula at makatrabaho sa unang pagkakataon sina Jeric Raval, Ynez Veneracion at iba pang magiging  casts ng movie na pinag iisipan pa ang magiging title.

Gusto din daw ng aktres na libutin at mapuntahan ang magaganda at makasaysayang lugar ng Nunungan Lanao Del Norte.

Ilan sa makakasama ni Claudine sa movie sina Jeric Raval, Keanna Reeves, Ynez Veneracion, Andrew Gan, Brian Scott Lomboy, Pia Moran, Katrina Paola atbp.. sa direksiyon ni Neal Buboy Tan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …