I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGSAMA ang Viva at Universal Music Group (UMG) para sa bagong journey ng career ni Jayda.
In full force ang Viva exeutives led by Boss Vic del Rosario, Veronique del Rosario, at Vincent del Rosario sa contract signing ni Jayda.
Anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza si Jayda na nakagawa na rin ng ilang kanta, concerts, at TV series.
Handa si Boss Vic at UMG Boss na gawing malaking multimedia artist si Jayda.
At dahil VAA na rin siya, romcom ang movie na gusto niyang gawin at payag din siyang makapareha si Andres Muhlach sa Viva One hit series na Mutya Ng Section E.
Seksi rin si Jayda and who knows, mabigyan siya ng mapangahas na movie na akma sa kanyang edad na 22.
Good luck, Jayda!