Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega

Ashley nasaktan nang i-bash na starlet

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI patolera sa bashers ang Sparkle actress na si Ashley Ortega.

Ay, parang hindi naman po. Never ako pumatol actually sa mga basher, pero may mga bash before na medyo naapektuhan ako as a human being also.

“Pero ngayon kasi parang deadma na lang ako sa kanila, eh.

“I think there was a time na medyo naapektuhan ako sa mga sinasabi nila towards me.

“‘Yung parang ang tagal sa industriya tapos wala pa masyadong napatutunayan.”

Tinawag ng basher si Ashley na “starlet.”

Ayun, ‘yung masabihan ng ganoon before, so I would always prove myself na I’m more than that.

“So iyon ‘yung parang pinaka-bash na siguro na medyo na-hurt ako, pero aside from that, wala.

“Parang pagmamahal na lang. So I’m just really grateful and actually sa bash, sometimes ‘yung mga negative criticism na sinasabi ng mga tao, I would use it as a motivation to become a better actor, to become a better person, so mas win-win situation.

“Ako naman, hindi naman po ako ‘yung nagho-hold ng grudge sa isang tao, kasi parang hindi ko kayang magalit ng matagal.

“So nili-let go ko na lang ‘yung mga negative energy.”

Hindi naman siguro kukuning endorser ng Luxe Slim beauty and wellness drink si Ashley kung starlet siya.

Ang produktong ineendoso ni Ashley ay mula sa Luxe Beauty and Wellness Ventures Corp. ng CEO at founder na si Anna Magkawas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

V Mapa Batch 86 40th yr

V Mapa Batch ‘86 40th yr gaganapin sa March 28!  

MATABILni John Fontanilla ISANG bonggang selebrasyon ang magaganap sa March 28, 1:00 to 6:00 p.m. …