Ruru Madrid Bianca Umali

Ruru miss agad si Bianca, nakipag-date muna bago pumasok sa PBB

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI pa man tumatagal sa loob ng PBB House ang aktres na si Bianca Umali na guest celebrity ngayon sa Bahay ni Kuya ay sobrang nam-imiss na ito ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

Pero bago pumasok sa Pinoy Big Brother House si Bianca nag-date muna sila ni Ruru na ipi-nost ng binata sa kanyang Instagramrurumadrid8.

Post ni Ruru ng picture na may caption na,l “date muna bago pumasok ng bahay ni kuya si Isadora, I miss you already, mahal @bianxa.” 

Maraming netizens ang kinilig sa naging post ni Ruru at nag-comment ng sumusunod:

Sana wag kayong mag hiwalay please.”

“Ang sweet.”

“Love  you both.” 

“One of my favorite real life couples.”