Thursday , June 4 2026
Rhian Ramos Where in Manila

Rhian maraming masasarap na pagkain, magagandang lugar nadiskubre sa Maynila

MATABIL
ni John Fontanilla

AARANGKADA na ngayong March 8 (Saturday, 11:30 p.m.) ang pinakabagong Lifestyle Show sa GMA 7,ang Where In Manila hosted by Kapuso It Girl Rhian Ramos.

Ito ang show na papalit sa time slot na iiwanan ng Dear SV, ang public service show ni Sam SV Verzosa na tumatakbong alkalde ng Maynila.

Sa naganap na mediacon ng Where In Manila na ginanap sa Winford Resort and Casino ay nasorpresa at naiyak si Rhian sa pagdating ng kanyang very supportive boyfriend na si Sam.

Super dooper excited nga si Rhian sa kanyang bagong programa na mapapanood  ang pagpasyal ng aktres sa iba’t ibang lugar sa Maynila, kasama na riyan ang paboritong gawin ng aktres/host na tikman  ang masasarap na pagkain sa Maynila.

Tsika nga ni Rhian, “It’s very known naman na I love to travel, I love new experiences, tasting things that I’ve never eaten before, seeing places I’ve never been before. 

“Pero who knew that there’s so much to be seen and celebrated just in our backyard which is in Metro Manila.” 

Dagdag pa ng aktres, “kung saan kami makakahanap ng masarap na pagkain, a bit of adventure, magandang tanawin, pupuntahan namin lahat talaga ‘yan.

” Ang dami ko nang nakita at nakilala na mga small business owners na dapat talagang bigyan ng pansin ‘yung ipino-promote nilang parts of Manila.

“I believe that the people is really what make the city so colorful. 

” At ‘yung mga original nilang ideas na ginagawa nilang negosyo, na ginagawa nilang produkto na pwede talagang ipagmalaki sa buong Pilipinas.”

At sa paglibot niya sa Manila ay marami siyang natutunan, napuntahang magagandang lugar, at natikmang masasarap na pagkain na puwedeng ibida sa ibang bansa.

Kaya naman tutok na sa  March 8  at manood ng Where in Manila tuwing  Sabado ng 11:30 p.m. sa GMA 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …