PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
HAYAN ha, klarong klaro sa sinabi ni Jervis Wrightson aka KaladKaren na, “sila pa rin ng asawa niyang si Luke.”
Gaya ng ibang samahan na hindi naman talaga perpekto, may mga pinagdaraanan din sila.
Sey pa ng magaling at matalinong host ng TV5, “sa loob ng 13 years, marami na kaming pagsubok na dinaanan. Ako pa rin po si Mrs. Jervi Wrightson.”
Sa news program kasi nila sa Kapatid Network, biglang tinanong ni Julius Babao si Jervi ukol sa status nilang mag-asawa dahil na rin sa mga tanong ng netizen.
Ang ending, hayan na-bash ng bongga si Julius na tila hindi raw naging professional at sensitive sa isyu ng co-anchor.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com