Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Anti-drug ops inilatag sa Pampanga at Bulacan
P2.2-M droga nasamsam, 6 suspek timbog

TATLONG high-value individuals (HVI) ang inaresto sa lungsod ng Angeles, Pampanga; at ilang lugar sa Bulacan, nakompiskahan ng mahigit P2.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa loob ng 24 oras.

Sa mga ulat na ipinadala kay PRO3 Director P/BGen. Jean Fajardo, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas Jun, 43 anyos, nakatalang HVI, mula sa Brgy. Anunas, Angeles City.

Nadakip ang suspek nitong Sabado, dakong 9:20 ng gabi, sa inilatag na buybust operation ng mga tauhan ng Angeles City Drug Enforcement Unit (ACDEU) at Police Station 6 ng Angeles CPO.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang 55 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P374,000 sa operasyong ikinasa sa Riverside Interior, Brgy. Ninoy Aquino, sa naturang lungsod.

Sa sumunod na operasyon, naaresto ng pinagsanib na operatiba mula sa ACDEU at Intelligence/Drug Enforcement Unit (DEU) ng Police Station 6 ang suspek na kinilalang si alyas Lolet, 61 anyos, nakatalang HVI, mula sa Brgy. Pulung Cacutud, sa parehong lungsod.

Nasamsam sa buybust operation ang 53 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P360,400.00, kasama ang pre-marked buybust money at isang OJO eyewear pouch.

Samantala, sa Bocaue, Bulacan, naaresto dakong 1:30 ng umaga, nitong Sabado, 1 Marso, ng mga operatiba ng Bocaue MPS ang dalawang nakatalang HVI na kinilalang sina alyas Jonjon, 36 anyos, at alyas Hapon, 30, anyos kapuwa mula sa Brgy. Batia.

Dinakip ang mga suspek para sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay ng Omnibus Election Code (Gun Ban).

Nakompiska sa operasyon ang 131.17 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P891,956 at isang caliber .38 revolver na may limang bala.

Gayondin sa lungsod ng Meycauayan, Bulacan, naaresto ng mga operatiba ng Meycauayan CPS ang dalawang drug personalities na kinilalang sina alyas Mai, 47 anyos, negosyante mula sa Brgy. Malhacan, at nakatalang HVI; at si alyas Carl, 33 anyos, mula sa lungsod ng Caloocan.

Huli sa akto ang mga suspek na nakikipagtransaksiyon ng ilegal na droga sa loob ng kulay abong Mitsubishi Mirage G4, na humantong sa pagkakasamsam ng 45 gramo ng hinihinalang shabu, tinatayang nagkakahalaga ng P603,000.

Kaugnay nito, pinuri ni P/BGen. Fajardo ang dedikasyon ng mga operatiba ng Central Luzon police sa kanilang walang humpay na pagtugis sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …