Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Season 3 ng  Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ni Bong mala-pelikula

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY vocal si Senator Bong Revilla na sobrang na-miss niya ang paggawa ng pelikula. Kaya kung hindi siya  naaksidente at pinagbawalang gumawa ng maaksiyong eksena sa pelikula ay tiyak  may entry siya sa 50th Metro Manila Film Festival.

Kaya naman kung pagbabasehan ang trailer pa lang ng  season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, aakalain mong isa itong pelikula sa ganda ng paglakagawa.

Grabe ang mga action scene, napakahusay dito ni Sen Bong na ‘di mo aakalaing naaksidente, dahil  kayang-kaya pa rin ang mahihirap at buwis buhay aksiyon na siya mismo ang gumawa.

Nagpapasalamat nga si Sen Bong sa  GMA 7 dahil sa suportang ibinibigay sa kanya sa matagal na panahon, kaya naman ‘di pa naipalalabas ang season 3 ay ikinakasa na ang season 4.

Kung mahusay si Bong sa action serye, super huhusay din ng mga co star niya na sina Beauty Gonzalez, Leo Martinez,Jillian Ward, Nino Muhlach, Faith Da Silva, Gloria Diaz, Jay Manalo, Joko Diaz, Sid Lucero, Ryan Eigenmann atbp..

Magsisimulang mapanood sa Dec. 22 ang season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA 7, sa mahusay na direksiyon nina Enzo Williams at Rechie del Carmen,  handog ng Imus Productions at  GMA 7.