Thursday , June 4 2026
Kathryn Bernardo Alden Richards KathDen

KathDen fans saludo kay Alden—sweet at marespeto

MA at PA
ni Rommel Placente

AYON sa mga tagahanga ng tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang KathDen fans, nasa tamang tao na raw ang aktres. Na ang tinutukoy nila na tamang tao, ay si Alden. 

Parang pinalalabas talaga nila na magkakaroon ng relasyon ang KathDen.

Hiling nga nila na  magpatuloy ang magandang samahan ng dalawa kahit na natapos na nilang gawin  ang Hello, Love, Again.

At nakatutuwa, na ikinukompara ng mga faney ng KathDen, ang  mga video nina Kathryn at  Alden na lumalabas ngayon, sa mga video ng KathNiel noon. 

Ayon sa KathDen fans, kitang kita raw kung paano magpakita ng sweetness si Alden kay Kath. At may respeto raw ang una sa huli at gentleman si Alden.

Sa videos daw ng KathNiel, may isa raw doon na makikitang inaambaan ni Daniel si Kath. At mayroon din daw na ipinakikita ang simpleng pagbusangot ni Daniel.

Ano kaya ang masasabi ng KathNiel fans sa hanash ng mga KathDen fans?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …