Thursday , June 4 2026
Chavit Singson

Manong Chavit titiyakin mabuting kalusugan at wastong nutrisyon sa mga kulungan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

UMABOT sa 4,230 preso sa Quezon City Jail ang nakatanggap ng libreng medical, dental check-up at feeding program ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson noong Sabado.

Tulad ng ginawang paghahanda ni Manong Chavit sa senatorial campaign sa 2025 na nagpa-advance stem cell treatment siya sa Japan pagkaraan ng 12 taon para may lakas, gusto rin ng dating gobernador na maging malusog ang mga preso.

Ang medical, dental, at feeding program ay bahagi ng programa ni Manong Chavit na Happy life for all. Kasama rin dito ang mga oportunidad sa kabuhayan sa kanilang paglaya sa kulungan..

Sinabi  ni BJMP-National Capital Region (NCR) Chief Supt. Clint Russel Tangeres na ang programa ay naglalayong isulong ang mabuting kalusugan at wastong nutrisyon sa pasilidad.

Sa speech ni Manong Chavit, sinabi nitong may mga oportunidad sa trabaho para sa mga PDL sa kanilang paglaya sa bilangguan tulad sa Taiwan na siyang nangunguna sa pagpo-produce ng microchip sa mundo.

Bukod sa Taiwan, ani Singson na in demand din ang mga caregiver sa South Korea at Japan, na sa pamamagitan ng kanyang impluwensiya, ay makapagbibigay ng trabaho para sa mga PDL pagkatapos ng kanilang paglaya mula sa bilangguan.

Ipinaliwanag ni Singson na may mga kompanya at employer na hindi kumukuha ng mga aplikante na nakulonh kaya naman ito ang nag-udyok sa kanya para manguna na mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga ito na makahanap ng pagkakakitaan o trabaho.

At bagamat tatakbo sa 2025 iginiit ni Manong Chavit na ang pagsasagawa ng “Feeding Program at Health Mission’’ sa Quezon City Jail ay hindi tungkol sa pagtakbo niya sa Senado.

Hindi rin ito ang una ay huling pagsasagaw ang medical mission ni Singson dahil aniya, maraming civic oriented programs, kabilang ang pagbibigay ng bagong buhay sa mga PDL ang isasagawa rin niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …