Mother Lily Roselle Keith Monteverde Winni Wang

Apo ni Mother Lily bahagi na ng bagong Regal

I-FLEX
ni Jun Nardo

INIHAHANDA na ang sinasabing relaunching ng Regal Entertainment next week.

Ito ay ang Regal Legacy: A Majestic Journey 80 Years and Beyond.

Ayon sa mga nasagap naming impormasyon, magiging bahagi na ng Regal Entertainment ang apo ni Mother Lily Monteverde kay Roselle na si Keith.

Sa pagkakaalam  namin, sa US nag-aral si Keith at kung tama kami ito ay isang lawyer.

Magkaroon man ng changing of the guards sa Regal, mananatili pa rin ang pagmamahal nito sa movie industry at paggawa ng entertaining and relevant movies.