Thursday , June 4 2026
James Reid Liza Soberano Jeffrey Oh

Liza iniwan na ang Careless Music?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMING mga supporter ni Liza Soberano ang nag-tag sa amin ng umano’y socmed account ng aktres na hindi na naka-follow sa management outfit nitong Careless Music.

Kamakailan sa isang interview ni James Reid ay tinuran pa nitong masaya si Liza at nasa kanila pa rin bilang artist nila. Na umano’y may mga nakalinya pang proyektong pagkaka-abalahan.

Hanggang sa makarating nga sa media ang post ng mga supporter ng aktres na nagtataka kung bakit hindi man lang daw mai-post ng Careless Music ang ganap ni Liza gayung active naman pala ito sa pag-promote ng mga ganap ni James?

Mabuti pa ngang wala na si Liza sa kanila. Sana totoo na ‘yung balita dahil mukhang hindi naman nila naibibigay ‘yung dapat na tulong para kay Liza,” hirit pa ng mga supporters ng aktres.

Sa aming pagtanong-tanong, tila naguguluhan din sila sa totoong estado ni Liza kung under pa ba ito sa management outfit nina James or tuluyan na itong umalis?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …