Wednesday , September 11 2024
Blackpink

BLACKPINK World Tour, nakatanggap ng rated PG; ibang mga pelikula na ipalalabas ngayong linggo, binigyan ng R-13 at R-16 ng MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HANDA na ba ang Filipino fans at BLINK community? Dahil maaari ng mapanood sa pinilakang-tabing ang ginawang pandaigdigang konsiyerto ng sikat na Korean pop girl group na BLACKPINK.

Ito’y matapos mabigyan ng rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) – sa pagtataya nina Board Member Antonio Reyes, Racquel Maria Cruz, at Lillian Ng Gui – ang sine-dokumentaryo na binuo mula sa mga konsiyertong ginawa ng grupo.

Sa ilalim ng rated PG, maaaring makapanood ang mga edad labing tatlo (13) at pababa, ngunit kinakailangan na may kasamang magulang o nakatatanda na siyang gagabay sa kanila sa panonood.

Maging ang pelikulang “Bluelock: Episode Nagi” mula sa produksiyon ng Pioneer Films ay nakakuha ng kaparehong marka, sa desisyon nina Board Members Gui, Reyes, at Robert “Bobby” Andrews, Jr.

Bukod dito, binigyan naman ng R-13 rating ang pelikulang “Trap” mula sa Warner Bros. (F.E.) Inc. na pinagbibidahan ni Josh Harnett. Sa desisyon nina JoAnn Bañaga, Angel Jamias, at Neal Del Rosario, sinabi nilang may ilang aspeto ang pelikula na hindi angkop sa mga edad labing dalawa (12) at pababa. Maging ang lokal na produksiyon mula sa VIVA Communications, Inc. na bida sina Sue Ramirez, Barbie Imperial, at Phi Palmos ay binigyan din ng kaparehong marka na R-13 rating. Sa desisyon ito nina Board Members Richard John Reynoso, Jan Marini Alano, at Katrina Angela Ebarle, na ipinaliwanag nila na ang pelikula ay nagpapakita ng paglalarawan sa droga o paggamit nito at iba pa hindi angkop na eksena para sa mga edad 12 pababa.

Habang ang pelikulang “Consumed” naman na gawa rin ng Pioneer Films, ay binigyan ng R-16 rating. Ang R-16 ay para lamang sa mga edad 16 pataas. Sa desisyon ito nina BM Reynoso, Cruz, at Wilma Galvante na sinabing ang pelikula ay mayroong katatakutan at karahasan na hindi angkop sa mga batang edad labinglima (15) at pababa.

Pinapaalalahanan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang, na kinakailangan nilang gabayan ang kanilang mga anak na pasok sa age restriction ng isang pelikula, at maging mabuting halimbawa sa mga batang Pilipino sa pamamagitan ng pagiging responsableng manonood.

About Nonie Nicasio

Check Also

Apollo Quiboloy Alice Guo

Alice Guo, Pastor Quiboloy gawin kayang pelikula ang biopic?

HATAWANni Ed de Leon MAY mangangahas kayang gumawa ng pelikula tungkol sa naging pagtakas at …

Dear Satan MTRCB

Dear Satan produ pwede pa umapela sa MTRCB

HATAWANni Ed de Leon SIGURO nga malungkot ang mga producer ng pelikulang Dear Satan dahil sa ikalawang …

Mariah Carey

Mariah Carey binati ang mga Pinoy ng Maligayang Pasko

HATAWANni Ed de Leon NAKATUTUWA naman ang singer na si Mariah Carey na nagpaabot ng maagang pagbati …

Anne Curtis Erwan Heusaff

Anne at Erwan enjoy sa bakasyon sa SG, ‘di totoong hiwalay 

HATAWANni Ed de Leon HABANG panay ang tsismis ng mga marites at pagkakalat ng fake …

Athena Red

Athena Red, palaban sa GL na pelikula at role na kabit

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG VIVAMAX sexy actress na si Athena Red ang klase ng hot …