Ralph Dela Paz Kim Jisoo

Ralph excited makatrabaho ang Korean actor na si Kim Jisoo 

MATABIL
ni John Fontanilla

DREAM come tru sa aktor na si Ralph Dela Paz ang makasama at makatrabaho sa Black Rider ang Korean actor na si Kim Jisoo.

Ginagampanan ni Ralph ang role ni Joe na magiging kalaban ni Kim Jisoo na ginagampanan ang role na Adrian.

Post ni Ralph sa kanyang Facebook“Isang karangalan ang maka eksena ang isang  KIM JISOO bilang “ADRIAN”

” Abangan po natin si Ralph Dela Paz bilang “JOE”  

” Maraming salamat po sa opportunity Sparkle GMA.  

8 PM sa GMA Prime, GMA Public Affairs’ FB/YT livestream at 9:40 PM sa GTV!”

Ang Black Rider ay pinagbibidahan ni Ruru Madrid na  kapatid sa pananampalataya ni Ralph na Iglesia Ni Kristo.

Bukod sa pag-arte, abala rin si si Ralph sa negosyo na nagmamay-ari ng Siomura.