Thursday , June 4 2026
Marian Rivera Balota Kip Oebanda

Balota  pinalakpakan sa Cinemalaya

RATED R
ni Rommel Gonzales

PINASILIP ang ilang eksena ng Cinemalaya entry na Balota, ang pelikulang pinagbibidahan ni Marian Rivera, sa katatapos na Cinemalaya press conference noong July 10. 

Marami ang kaagad na bumilib at napapalakpak sa proyektong ito ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

Posters at teasers pa lang ay marami na ang nag-aabang sa pelikula. Ngayong ipinakita na nga sa publiko ang trailer, lalo pang na-excite ang mga manonood sa proyektong ito ni Marian. Marami ang ngayon pa lang ay pumupuri na sa kanyang pagganap bilang si Emmy, isang guro na malalagay ang buhay sa alanganin sa gitna ng eleksiyon.  

Komento ng ilang netizens: “This will slay and will give Marian Rivera numerous awards left and right! Congrats GMA Pictures isa ito sa pinaka-matapang na issue sa politika.”

Ibinahagi naman ni Marian sa isang panayam ang realizations niya sa latest project na ito. Aniya “Ang sarap gumawa ng pelikula dahil sa ‘Balota.’” 

Ito ang kauna-unahang Cinemalaya entry ng aktres.

“’Yun ‘yung pinakamaganda ‘pag gumagawa ka ng isang proyekto, ‘yung mensahe ng pelikulang ipinaaabot mo sa manonood, very excited kami kung ano ‘yung magiging impact nito sa mga makakapanood,” dagdag pa niya.

Mula sa panulat at direksiyon ni Kip Oebanda,  tampok din sa pelikula sina Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Gardo Versoza, Mae Paner, Nico Antonio, Donna Cariaga, Joel Saracho, Sue Prado, Esnyr, at Sassa Gurl. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …