Thursday , June 4 2026
Kelvin Miranda Toni Talks

Kelvin mental health naapektuhan; mahirap makabitaw sa karakter

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Kelvin Miranda sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks, nag-open up siya tungkol sa mga naging struggle niya sa kanyang showbiz career at personal life.

Maraming rebelasyon si Kelvin sa panayam sa kanya ni Toni, kabilang na ang pag-amin na never niyang pinangarap maging artista.

Ayon sa binata, pinasok niya ang showbiz dahil gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya, pero habang tumatagal, nararamdaman niyang naaapektuhan na ng pag-aartista ang kanyang mental health.

Ayoko rin siya minsan parang nakasisira sa mental health ko. Kasi sinabi rin na makakasama siya for me dahil sa disorder ko.

“‘Yun din ang pinaka-ayaw ko once na na-trigger na ako. Nagkakaroon ng episodes,” sabi ni Kelvin.

Ini-reveal din ng binata na na-diagnose siya ng bipolar I, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), mild dyslexia, at post traumatic stress disorder (PTSD).

Ito’y matapos siyang makaranas ng “patterns of impulsive behavior,” “breakdowns” at ang hirap ng pagbitaw sa mga ginagampanang karakter.

Nang tanungin tungkol sa pagkakaroon ng PTSD, nagpakatotoo rin sa pagsagot si Kelvin, “Naabuso rin kasi po ako noong bata ako. Hindi ko alam kung paano ko makalilimutan.”

Siya raw ay 8 or 9-anyos noong mangyari ang pang-aabuso sa kanya.

Bukod sa pagpapagamot at pagdarasal, sinubukan din niyang umiwas sa social media para hindi na masyadong maapektuhan ng pamba-bash sa kanya.

Kahit na anong ginawa mong mabuti para sa kanila never ka naging mabuting tao. Kahit na marami ka ring isinakripisyo.

“Kasi parang nakikita lang ng tao ‘yung mali eh. Hindi nila nakita ‘yung kung paano ka naging mabuting tao para sa kanila.

“Kung ano ‘yung ginawa mo para magawa mo ‘yung bagay na iyon sa ikabubuti nila. Hindi nila makikita, hindi nila ma-appreciate, eh.

“Hindi ko sinasabi ako ‘yung pinakamabuting tao. Pero hindi ako masamang tao, alam ko po iyon,” sabi pa ng alaga ng aming kaibigang si Tyrone Escalante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …