Monday , June 24 2024
Aldrich Darren John Lloyd Cruz

Look-alike ni Aljur gustong makatrabaho si John Lloyd

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK-SHOWBIZ ang Aljur Abrenica look a like na si Aldrich Darren na nag concentrate sa pag aaral at pagnenegosyo.

Ilang taon din daw namahinga sa pag-arte sa telebisyon, pelikula, at pagmomodelo si Aldrich at bigla niyang na-miss ang pag-arte kaya naman nagdesisyon itong magbalik-showbiz.

Ilan sa mga nagawa niyang proyekto bago mag-lie low sa showbiz ang mga pelikulang  Kabaro, No Way Out, Pitik Bulag, Angelita, Shake Rattle and Roll XII (Punerarya), at Desperadas 2.

Nakapag-guest naman ito sa mga TV show na Magpakailanman sa episode na Kambal na LihimMaynila sa episode na Aishiteru, I Love YouBlusang Itim, Love Hotline, Tweenhearts, at Walang Tulugan with the Mastershowman.

Pangarap ni Aldrich na makaarte muli sa telebisyon at pelikula at makasama ang idolong si John Loyd Cruz na para sa kanya’y isa sa pinaka-mahusay na aktor sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

E-Sim TNT

Pag-order ng E-Sim ng TNT mas pinadali at pinabilis

MAGANDANG balita sa mga TNT subscriber dahil mas pinadali nila ang paraan para maka-order ng e-SIM, ito’y …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

The EDDYS Binibining Pilipinas

Binibining Pilipinas tinapatan The EDDYS

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, iyon daw coronation ng Binibining Pilipinas ay gaganapin din sa Hulyo …