Teejay Marquez

Teejay Marquez nagpakita ng husay sa After All

MATABIL
ni John Fontanilla

SA wakas ay napanood na namin ang pelikulang After All na isa sa mga bida si Teejay Marquez sa pa-block screening ng fans ng aktor sa Cinema 2 ng SM Light sa Muntinlupa.

Hindi kami nagtataka kung  bakit marami pa ring nanonood nito na ngayon ay nasa second week na sa mga sinehan, dahil bukod sa maganda ang pagkakagawa, maganda ang istorya at mahuhusay ang mga artistang  nagsipagganap.

Hanep ang mga confrontation scene, kilig moments sa mga eksena at mahuhusay din ang mga support artist.

Masasabi naming isa ito sa magandang pelikula na napanood namin ngayong pagsisimula ng taon na nagpakita ng husay si Teejay sa madadramang eksena.