Thursday , May 1 2025
Kim Chiu Paulo Avelino Whats Wrong With Secretary Kim

KimPau nagulat sa suporta ng fans — Sa edad namin na ‘to, mayroon pang nagsi-shift

MA at PA
ni Rommel Placente

SA lakas ng tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na tinawag na KimPau, na nagsimula sa unang serye na pinagsamahan nila, ang Linlang, heto’t binigyan muli sila ng another serye ng Dreamscape in collaboration with Viu. Ito ang Pinoy adaptation na What’s Wrong with Secretary Kim. 

Sa serye ay gumaganap si Paulo bilang boss ni Kim na kanyang secretary.

Sa tanong sa KimPau sa mediacon ng WRWSK, kung bakit sa tingin nila ay nag-click ang kanilang tambalan at sobrang minahal ng televiewers, ang sagot ni Kim, “Actually hindi ko rin alam. Siguro sa tagal namin dito sa industriya, ngayon lang kami nagkasama ni Paulo sa work. Ayun nga after ‘Linlang’ and then ito, nasundan kami ng another project, so mas kilala na namin ‘yung isa’t isa.

“And nakaka-amaze naman din na marami ‘yung sumusuporta sa aming dalawa which is nagugulat talaga kami. And we’re very thankful of course sa suporta online, and nakagugulat na sa edad namin na ‘to, mayroon pang nagsi-shift,” natatawa pang sabi ni Kim.

Parang  weird ‘yung feeling pero salamat po. And ayun, sobra kaming natutuwa. Very thankful.”

Ayon naman kay Paulo, noon pa ay talagang gusto niya nang makatrabaho  si Kim. At natutuwa siya na nabigyan ng opportunity na makatrabaho ang ex ni Xian Lim sa Linlang, at ngayon ay sa What’s Wrong with Secretary Kim.

At natutuwa lalo siya, na tinanggap ng mga fan ang kanilang loveteam.

Sa tanong naman kung ano ang ina-admire nina Kim at Paulo sa isa’t isa,  sagot ni Kim na natatawa, “Si Paulo, siyempre, ano siya, sobra siyang pogi, cute pa.”

Dagdag ni Kim, “Si Paulo, alam niya ‘yung ginagawa niya. Very consistent siya sa trabaho niya.

“And then parang..we share  the same passion when it comes to work. At saka parehas kami ng gusto.

“Nakatutuwa na makatrabaho ang isang Paulo Avelino. 

“And mas nakaka-amaze kasi tinanggap niya itong rom-com na genre. So, mas napahanga ako, dahil kaya niyang gawin ‘yung lahat talaga in his best.

“At magugulat talaga kayo rito sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ kung ano ‘yung mga ibinigay niya. Mas hahanga kayo sa kanya,” papuri pa ni  Kim kay Paulo.

Ang sabi naman ni Paulo tungkol kay Kim, “l’d like working with people who works fast and know what they’re doing. And si Kim ganoon.

“Kumbaga, mabilis siyang kumilos, alam niya na ‘yung gagawin, alam niya ‘yung script. Walang nagiging problema.”

Ang What’s Wrong with Secretary Kim ay eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18. 

About Rommel Placente

Check Also

InnerVoices

Atty. Rey Bergado, bilib sa bagong frontman ng InnerVoices na si Patrick Marcelino

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Atty. Rey Bergado na ang kanilang grupo na …

Bam Aquino Anne Curtis Janine Gutierrez

Isa pang ‘Diyosa’ suportado pagka-senador ni Bam Aquino

ISA pang “Diyosa” ang nagpahayag ng suporta sa pagka-senador ni dating Senador at independent candidate …

Lights Camera Run Alden Richards Barbie Forteza Kim Chiu Paulo Avelino

Lights Camera Run project ni Alden suportado nina Barbie, Kim, Paulo

MA at PAni Rommel Placente ISA pang pangarap ni Alden Richards ang gusto niyang maabot, ang  maging  …

Kyline Alcantara

Kyline Alcantara: I really don’t have to explain myself

MA at PAni Rommel Placente NAGLABAS ng saloobin si Kyline Alcantara tungkol sa mga pinagdaraanan niya sa …

Arnold Vegafria David Licauco

David Licauco suportado pagtakbo ng manager na si ALV

I-FLEXni Jun Nardo PINASOK muli ng businessman-talent manager na si Arnold Vegafria ang politika sa Olonngapo City …