Wednesday , February 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jericho Rosales Kathryn Bernardo jogging

Echo at Kathryn inintriga nagkasama lang sa jogging

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

O baka na naman kung anong malisya ang sabihin ng netizen sa kumakalat na photo nina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo ha.

May mga larawan kasing lumabas na nagkasama sina Echo at Kathryn sa Marikina Sports Complex na naka-jogging outfit sila.

Obvious na jogging moment ‘yun at mayroon silang mga kasabay o kasama o mga nakasabay ding na night-jogging.

Isa nga sa nag-post ng photo ay ang pamangkin ni Echo na si John Manalo na dati ring kasama ni Kath sa Goin’ Bulilit. Habang ang iba ay galing naman sa mga nakasabay nilang mga fan siguro.

Kuwela lang dahil kapwa nga galing sa hiwalayan ang dalawa though si Echo ay noong 2019 pa pala hiwalay sa asawa.

Bongga namang paraan ‘yun ng pag-move on at pag-move forward ‘di ba? Ang magpapawis at magpagpag ng toxins sa isip at katawan. Or maybe, napayuhan ni John ang kaibigang si Kath na gawin ang ginawa ng kanyang tito Echo.

Hay, ano ba iyan hahaha…Assumera lang po.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Dingdong Dantes The Master Cutter Max Collins Sienna Stevens Shuvee Etrata Berry

Serye ni Dingdong mapapanood sa Netflix 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INILABAS ng Netflix ang line-up ng mga programang dapat abangan sa streaming platform, …

Bianca Umali

Bianca tsinugi bibida sa bagong serye

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING pasabog para sa mga tagasubaybay ng Sang’gre ang mga latest ganap sa …

Anne Curtis Jericho Rosales

Insidente sa ‘walwal’ days ni Anne naungkat sa pagbibida sa pelikula

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KALAKARAN na talaga sa showbiz na kapag may Ipinu-promote na project …

Sheryl Cruz Nicole Sonora

Anak ni Sheryl na si Nicole Sonora pinasok na rin pag-aartista

RATED Rni Rommel Gonzales SI Sheryl Cruz mismo ang nagbalita sa inyong lingkod na artista na ang …

Barbie Forteza Boots Anson-Roa Charo Santos Until She Remembers

Barbie, Boots, Charo nagsama-sama sa isang madamdaming pelikula

RATED Rni Rommel Gonzales TATLO sa pinaka-malalaking pangalan sa showbiz industry ang magsasanib-puwersa sa isang …