Friday , May 3 2024
Imelda Papin Claudine Barretto Loyalista

Biopic ni Imelda Papin na Loyalista, kaabang-abang sa mga sinehan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NABANGGIT ni Imelda Papin noon sa isang victory party nang nanalo si President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa national election noong 2022 ang paglipat sa kanya ng isang espesyal na amuleto o parang anting-anting ni ex-president Ferdinand Marcos nang na-depose ito sa Hawaii.

Kilala ang singer bilang isang Marcos loyalist na talagang nagpupunta noon sa mga rally para sa pagbabalik sa bansa ng former strongman ng ‘Pinas. Sa pelikulang Loyalista na tinatampukan nina Claudine Barretto at Ms. Papin, ipinakita ang eksenang ito.

Napanood nga namin ito sa premiere night na ginanap sa tatlong sinehan sa SM Megamall sa pelikulang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin na gumanap si Claudine as Imelda Papin. Kasama rin sa pelikula sina Gary Estrada, Alice Dixson, ER Ejercito, at Maffi Papin.

Tunay na kaabang-abang ang pelikulang ito, hindi lang sa mga Marcos Loyalists, kundi sa mga supporter ni Imelda Papin.

Ang pagpapalabas ng biopic ng Philippines’ Jukebox Queen na si Imelda ay kasabay ng pagdiriwang ng 45th year niya sa showbiz industry.

Isang taon palang ginawa ang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.

Kabilang sa highlight ng pelikula ang pagpapakita kung gaano ka-loyal si Imelda Papin bilang kaibigan at inaanak sa mga Marcos. Sumunod pa nga siya sa Hawaii nang na-exile roon ang pamilya Marcos dahil nanganib na rin ang buhay niya dahil kilala siya bilang isa sa die hard supporter ng mga Marcos. Ang isa pang aabangan dito ay ang husay ng acting ng mga main characters.

Pinuri nga ng maraming nakapanood sa premiere night ang acting dito nina Claudine, Alice, as Imelda Marcos, ER as President Marcos, at si Gary bilang si Bong Carrion.

About Nonie Nicasio

Check Also

Puregold Flow G

Hop Icon ng ‘Pinas na si Flow G bahagi na ng Puregold!

HABANG naghahanda na ang mga bigating musikero sa Pilipinas na isuot ang berde at ginto—mga …

Dirty Ice Cream Vivamax

Dirty Ice Cream ng Vivamax ‘di raw pampantanggal init

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil pampa-tanggal init na lang din ang usapan, may bagong …

Pepe Herrera Joey Reyes Bantay Bahay

Pepe pressured sa pagpatok ng horror-comedy movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAW isipin ni Pepe Herrera ang “pressure” na kasali siya sa Pinoy highest …

Willie Revillame

Willie mapapanood pa rin sa AllTV

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BALIK-ALLTV din pala si papi Willie Revillame dahil mukhang ipalalabas din ang bago niyang …

Ysabelle Palabrica Hajji Alejandro Rachel Alejandro Gino Padilla

Ysabelle Palabrica hinangaan husay sa concert nina Rachel, Hajji, at Gino

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na major OPM concert,  Noon at Ngayon sa New Frontier noong …