MATABIL
ni John Fontanilla
NAGTAPOS si Matteo Guidicelli sa kursong BSBA-Marketing Management sa University of San Jose- Recoletos kamakailan.
Nag-aral si Matteo sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP), isang alternative learning program ng pamahalaan.
Nakasabay nitong nagtapos ang Miss Universe Philippines 2019 na si Gazini Ganados.
At kahit naging abala sa dami ng kanyang proyekto ang mister ni Sarah Geronimo nagawa pa ring makapagtapos ng pag-aaral.