NAKUY mare, kapag napanood mo si Mark Anthony Fernandez sa Vivamax movie na Ganti-Ganti at Viva Films na Para Kang Papa Mo, aakalain mong nasa 90’s tayo noong kasagsagan ng kasikatan niya.
Hindi pa rin kumukupas ang aktor pagdating sa husay sa pagganap. At kahit very daring ang role niya sa Vivamax film na idinirehe ni Mac Alejandre (yes si direk Mac nga) mula sa panulat ni kuya Ricky Lee(yes, the National Artist), hindi mo papansinin ang paghuhubad niya at pakikipaglampungan sa mga mahuhusay ding sina Angeli Khang at Yen Durano.
Nakatatakot ang pagiging kontrabida niya sa movie.
Then last Sunday during the press screening ng Darryl Yap movie na Para Kang Papa Mo, ibang klaseng Mark naman ang nakita namin. Bilang nakulong at nakalayang tatay ni Nikko Natividad, madamdamin naman ang mga eksena niya na noon pa niya kapang-kapa.
Bading si Nikko sa movie at mahuhusayan ka sa kung paanong ipinadama ni Mark ang pagtanggap at pagmamahal sa anak.
Comedy-drama ang movie ni direk Darryl na pinagbibidahan din nina Zeus Collins, Kid Yambao, Jao Mapa, Eric Fructuso, at Ruby Ruiz.
Sana ay mas maging aktibo at serious si Mark sa mga kagayang roles. Pogi pa rin at very natural actor ito kaya’t keri pa niyang talbugan ang ilan diyan.