Friday , December 13 2024
Alden Richards Sharon Cuneta

Sharon at Alden soulmates, pagiging mag-ina natuloy sa totoong buhay 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MARAMING natutunan at natuklasan sa isa’t isa sina Sharon Cuneta at Alden Richards sa pagsasama nila sa Metro Manila Film Festival 2023 (MMFF) entry ng Cineko Productions (nina Mayor Enrico Roque at Mayor Patrick Meneses) na Family of Two.

Kaya nga sa paglaon, para na silang mga katauhan nila sa pelikula na nag-extend na sa totoong buhay.

Parang anak na ni Shawie si Alden at ang Megastar naman ang naging ina na ng aktor.

Kulang na lang na sabihin ni Mega na sa pagkakatuklas nila sa maraming bagay sa isa’t isa ng kanyang co-actor eh, masasabi na ngang soulmates na rin sila (yes, hindi lang para sa magsyota ang pagkakaroon ng soulmate).

Swak na swak sila sa mga pinaniniwalaan nila at iisa ang takbo ng pag-iisip nila.

Tila nga umayon ang lahat ng bagay nang pagtagpuin na sila sa set ni direk Nuel Naval. At kahit pa may nauna ng naramdamang ‘di naman niya mawari ang writer na si Mel del Rosario sa pag-ayaw niya sa aktor, gumawa ng paraan ang mga pangyayari para mag-swak ang lahat ng kailangan para mabuo ang pelikula. Simula na sa schedule ng mga bida.

‘Di na binasa ni Shawie ang script nang masabi na sa kanya ang  buod ng kuwento na si Alden ang makakasama niya. At ganoon din naman ang aktor. Kung bakit naging maluwag ang schedule niya sa panahong kumahog din siya sa kaabalahan sa iba pa niyang ginagawa.

Gaya ng pangarap at dasal ng lahat ng kasali sa MMFF ngayong taon, ngayong Disyembre, ninanais nina Sharon at Alden na manood ng sampung pelikula ang mga tao at magbalik na ang tiwala sa panonood nito sa mga sinehan.

Gaya ng ibang mga artistang may entry sa panahon ng Kapaskuhan, mag-iikot din sila sa mga sinehan at magtutuloy-tuloy ang promo nito at paghikayat sa mga tao na manood sa mga sinehan.

At sabi nga ng Megastar, lahat ng siyam na kalahok ay panonoorin niya.

Nasa unahan ng listahan ni Alden ang Mallari ng Mentorque Productions na si Piolo Pascual ang bida.

At gaya ng sabi ni Sharon, iba’t iba ang tema ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2023 kaya lahat ay maihahain sa mga manonood sa panahon ng Kapaskuhan.

Isinabay na ng Cineko Productions ang pa-Christmas Party sa press at talaga namang nagpaulan ng cash at walang umuwing luhaan, ‘ika nga!

Ang pangako ng mag-ina sa pelikula hanggang sa tunay na buhay na rin, hindi sila mapapahiya na irekomenda ang for general patronage nilang istorya, lalo na sa mag-ina dahil marami ang makare-relate sa kanilang istorya.

Hanggang saan nga ba ang pagmamahal ng isang ina para sa anak? At saan naman dadalhin ng anak ang kanyang pagmamahal sa ina?

Siguradong isang tear-jerker na naman ang obra ni direk Nuel. Na nanggugulat na lang sa kanyang mga proyekto. 

Aasahan ba natin ‘yan sa Family of Two?

Sabi ng pelikula, “The best journey in life takes you home to family

About Pilar Mateo

Check Also

Lorna Tolentino Vilma Santos Espantaho

Lorna nagpasalamat kay Ate Vi — ako ang nakakuha ng role na dapat sana sa kanya

HATAWANni Ed de Leon UNA naming narinig iyang Espantaho, nang gumawa ng announcment si direk Chito Rono na …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Enchong Dee Topakk

Sylvia Sanchez, bilib sa mga bida ng Topakk

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na masaya …

Anthony Jennings Maris Racal Jam Villanueva

Maris ipinagtanggol, glam team naloko rin daw

MA at PAni Rommel Placente NALOKO rin umano ang glam team ni Maris Racal ni Anthony Jennings. Ang …

Maris Racal Anthony Jennings

Movie at serye nina Anthony at Maris nanganganib

MA at PAni Rommel Placente MATAPOS ang pasabog na cheating issue na isinambulat ng ex- …

Arjo Atayde

Arjo ‘di habol ang award sa paggawa ng Topakk

MATABILni John Fontanilla NAPAPANGITI ang award winning actor na si Arjo Atayde sa tanong ng entertainment press …