Paolo Contis LJ Reyes Philip Evangelista

Paolo sa pagpapakasal ni LJ — I’m happy for her that she has found the one

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBIGAY ng mensahe si Paolo Contis sa dati nitong partner na kakakasal pa lang, si LJ Reyes sa non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Sa isang interview ay nahingan ng mensahe si Paolo para kay LJ na noong una ay sinagot nito ng wala sabay tawa, pero later on ay nagbigay na rin ito ng mensahe para sa aktres.

Hahaha wala e!” inisyal na sambit ni Paolo “Well I’m very happy for her. That she has found the one. Congratulations sa kanila,” dagdag ni Paolo.

Matagal ding nagsama sina LJ at Paolo, na  nagbunga ng isang napakagandang bata, si Summer, pero kalaunan ay nagdesisyon ding maghiwalay.

Pumunta ng Amerika si LJ kasama ang mga anak na sina Summer at anak kay Paulo Avelino na si Aki at pansamantalang iniwan ang showbiz.