Thursday , June 4 2026
Bulacan Police PNP

 Bulacan cops umiskor 17 law violators inihoyo

Muling umiskor ang kapulisan sa Bulacan nang maaresto ang 17 law violators sa pagpapatuloy ng kampanya laban sa krimen sa lalawigan kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, kabilang sa 17 indibiduwal na naaresto ay ang apat na tulak na nakatala sa PNP/PDEA drugs watchlist. 

Kinilala ang mga ito na sina Christina Baguio, Molly Jordan at Patricia Ann Candelario na naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Norzagaray MPS Drug Enforcement Unit, si Marjorie Pile na arestado ng San Miguel MPS drug operatives at Juanito Mustangco na nasakote ng Bocaue MPS.

Ang isinagawang Intel driven police operations ay nagresulta sa pagkakumpiska sa mga suspek ng 17  pakete ng plastic ng shabu. 

Ang mga arestadong suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya habang inihahanda na ang pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa RA 9165.

Sa pinatindi ring kampanya ng  Bulacan PNP laban sa mga wanted persons ay natunton at naaresto ang sampung indibiduwal na may warrant of arrest mula sa korte.

Ang tracker team ng Meycauayan CPS ay inaresto sina Mark Anthony Serrano at Edwin Zuñiga sa paglabag sa RIR in Physical Injuries at Estafa.

Sa kampanya naman laban sa mga iligal na sugalan, ang Paombong MPS ay arestado si  Marlyn Santos at Reynaldo Ignacio sa Brgy., San isidro 1, Paombong, Bulacan matapos maaktuhan sa pagsusugal.

Ang dalawang suspek ay isinailalim sa kustodiya ng Paombong MPS habang inihahanda na ang pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa PD 1602.(Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …