Monday , September 25 2023
AlDub, Alden Richards, Maine Mendoza

Maine gusto pa ring makatrabaho si Alden

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI itinanggi ni Maine Mendoza na gusto pa rin niyang makasama si Alden Richards sa bagong Eat Bulaga.

Sa ginanap na TVJ and Dabarkads Media Day hindi ikinaila ng actress-TV host na umaasa siyang makakasama pa rin nila ang dati niyang ka-loveteam.

“Hindi ko alam kung paano ang mangyayari pero si Alden naman ay legit Dabarkads,” sabi ni Maine nang matanong ang fiancee ni Arjo Atayde sa posibilidad na maging bahagi pa rin si Alden ng noontime program nila.

“Hopefully, hindi ko pa rin alam eh, pero hopefully makasama namin siya rito sa show namin sa TV5,” sambit pa ni Maine.

Sinabi pa ni Maine na may communication pa rin sla ni Alden, “Kaming mga Dabarkads naman constant pa rin ‘yung communication dito sa bagong show, bagong tahanan, ‘yung updates ganoon pa rin.”

Samantala, ipinagmamalaki ni Maine  ang paninindigan niya para sa TVJ kaya pinili niyang sumama sa pagre-resign nila sa TAPE Incorporated.

Kasi for me no amount of money can buy for my established values, self-respect and loyalty.

“So sa pagtanggap namin, sa akin, eight years ago, noong sumama ako sa ‘Eat Bulaga’ ang maibabalik ko lang sa kanila ay ‘yung loyalty ko, ‘yung pasasalamat ko, and ‘yung tulad ng paglaban nila sa amin, ilalaban din namin sila kahit saan,” sabi pa ni Maine.

Bagamat naka-leave si Maine, sinuportahan pa rin niya ang TVJ at ang Dabarkads para sa pagharap nila sa entertainment press. “Actually naka-leave na talaga ko for the wedding planning so naka-alot na ‘yung June and July ko for wedding planning pero ayon siyempre hindi ko naman pwedeng iwan sila sa mga ganito. Tulad nga ng sabi ko, kung anong laban nila, laban din namin.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enchong Dee

Enchong epektib ang pagsasayaw ng naka-brief 

HATAWANni Ed de Leon ABA pinag-uusapan nila ngayon ang ginawang pagsasayaw ni Enchong Dee ng naka-brief lamang …

Robin Padilla

Sen Robin ‘di iiwan ang Senado

HATAWANni Ed de Leon PINAGRE-RESIGN din ng mga social media hacker si Sen. Robin Padilla dahil daw …

Willie Revillame

Willie walang magagamit na studio sa PTV4; planong talunin ang TV5 at GMA malabo

HATAWANni Ed de Leon HINDIpa man nagsisimula, lumabas na ang mga problema kung sakali nga’t …

Piolo Pascual

Piolo Pascual  host sa 6th The EDDYS ng SPEEd  
Gagawaran din ng Isah V. Red Award

MANINGNING tiyak ang Gabi ng Parangal ng 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023 ng Society of Philippine …

Sofi Fermazi Nicky Gilbert Direk Perry

Sofi Fermazi at Nicky Gilbert, 2 sa pambato ng NET25 Star Center artists

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SINA Sofi Fermazi at Nicky Gilbert ay kapwa nagkaroon ng …