MATABIL
ni John Fontanilla
MALA-SHARON Cuneta ang path ng career ng baguhang singer/actress na si Shira Tweg na batambata rin nang magkaroon ng kanta.
Love song din ang first single ni Shira tulad ni Sharon, na may titutlong Pag Ibig na mula sa komposisyon ni direk Joven Tan.
Si Shira ang gumanap na Sharon Cuneta sa 1st Summer Manila Film Festival entry na Rey Valera Story na inawit nito ang Mr. DJ.
Idolo ni Shira si Sharon sa pagkanta at pag-arte.
Ani Shira, thankful siya dahil very supportive ang kanyang parents lalong-lalo na ang kanyang mommy Tine Areola na laging kasa-kasama sa mga lakaran.
Si Shira ay nasa pangangalaga ng sikat na celebrity make up artist turn talent manager na si Ms Bambbi Fuentes.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com