Friday , June 20 2025
Julia Barretto Alden Richards

Julia Barretto ipinalit ng Viva sa Alden-Bea movie

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

SPEAKING of Alden Richards, nag-umpisa na sila sa taping ng Battle of The Judges na isa siya sa host. 

Bukod diyan ay may bago siyang movie na gagawin with Julia Barretto. Ito ‘yung tinanggihan ni Bea Alonzo at hindi swak sa kanyang schedule.

Habang ipinagbubunyi ng Viva ang 7M subscriber ng Vivamax, nag-launch naman sila ng bagong streaming platform, ang Viva One. Kaya abalang-abala sila sa paggawa ng mga dekalidad na material para rito. 

Nagtagumpay sila sa Vivamax dahil simula  nang nag-unoisa sila noong Feb 2021 ay naka-1M subscribers agad sila after eight months. Kaya every week, may bago silang ipinalalabas sa Vivamax. Isang daang bansa na ang nanonood sa Vivamax. 

Malaking bagay ito sa mga OFW natin na may napapanood at napapaglibangan. Ang maganda pa ay maraming nabibigyan ng trabaho at career ang Viva. Kaya malaking bagay ang Viva One sa mga hindi interesado rito na sinasabing for matured audience. 

Kaya abalang-abala ang mga anak ni Boss Vic del Rosario-Vincent at Val—na siyang nangangasiwa ng day to day operation nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Claudine Barretto

Claudine may pinagdaraanan, ninenega sa socmed

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI naman ang naawa kay Claudine Barretto dahil sa kasalukuyang pinagdaraanan na tila …

Marian Rivera Pokwang Jay Joseph Roncesvalles

Marian, Joseph, at Pokwang hurado sa isang dance competition

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UUPONG hurado sa Stars on the Floor ang dancing queen na si Marian Rivera kasama …

Alden Richards Stars on the Floor

Alden itinuturing na pinaka-da best ang Stars on the Floor 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PROUD na proud si Alden Richards bilang host ng Stars on the Floor na magsisimulang …

SB19

SB19 hakot award sa 2025 Music Rank Asian Choice Awards Japan  

MATABILni John Fontanilla BIG winner sa Music Rank Asian Choice Awards Japan 2025 ang tinaguriang King of …

Kyline Alcantara Ruffa Gutierrez

Kyline life lesson mula kay Ruffa: always choose yourself

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Kyline Alcantara sa GMA 7. Ito ang Beauty Empire, na …