Wednesday , June 24 2026
McCoy de Leon

McCoy ine-enjoy ang pagiging bad boy

IGINIIT ni McCoy de Leon na hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang bad boy character niya sa FPJ’s Batang Quiapo. 

Ginagampanan ni McCoy ang laging galit o may pagkakontrabidang karakter na nakababatang Kapatid ni Coco Martin (Tanggol), si David. 

“‘Yung pakiramdam ko once in a lifetime kasi itong show na ito. Si David iba ‘yung impact sa akin hindi lang sa career ko sa pag-acting kundi pati sa buhay ko. Siyempre ‘yung ganoong bagay na ganoon.

“Hanggang ngayon inaaral ko pa rin sa totoo lang. Siyempre sa tulong din ni direk Coco,” anito sa isinagawang media conference ng FPJ’s Batang Quiapo kamakailan.

Itinuturing ni McCoy na blessings ang pagkakasama sa FPJBQ lalo’t pawang mga magagaling ang kasa-kasama niya tulad nina Charo Santos, Christopher de Leon, Lorna Tolentino, Cherry Pie Picache, at John Estrada bukod pa kay Coco.

Noong first week talaga, kinakabahan ako kasi siyempre nasa isang table kami nina Ms. Charo, sir John, Ms. Pie. Sabi ko hindi lang ‘yun ang puwede kong maibibigay. Kailangan mayroong kakaiba. Na dapat may iba,” sabi pa nito na sa loob ng tatlong buwang pagpapalabas ay epektibong nagampanan ang karakter ni David dahil marami ang talagang namumuhi sa kanya.

At isa sa pinag-uusapang eksena ay ang pagkakabugbog sa kanya ni Coco dahil nahuli siyang ninakawan niya ito ng pera.

Ani Coco, okey lang na mabugbog siya ng aktor/direktor. 

Natutuwa pa ako noong binubugbog ako ni kuya Coco,” natatawang pagbabahagi nito. “Ang sakit na ng ulo ko pero sabi ko okay lang kasi gusto ko ‘yung ginagawa ko.

“Siguro ‘yun ‘yung susi. Nasa puso mo ‘yung ginagawa mo at ini-enjoy mo. Si direk (Coco) napaka-generous sa lahat ng larangan sa buhay. Hindi lang sa eksena. Napaka-generous talaga,” sambit pa ni McCoy.

Kapalit ng epektibong pagganap ni McCoy ang kabi-kabilang bash pero aniya, okey ang iyon sa kanya. 

Mas natutuwa nga ako ngayon eh. Iba na ngayon eh. Mas natutuwa ako kasi mas nagagawa ko ‘yung trabaho ko ng maayos. ‘Yung magulang ko lang siguro ‘yung medyo hindi. ‘Yung magulang ko sa totoong buhay, sabi sa akin, ‘Kailan ka ba babait diyan?’ Sabi ko, ‘Ginusto ko ‘to eh.’” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …