Jake Cuenca Chie Filomeno

Jake at Chie sila na nga ba?

TOTOO kayang in good terms na sina Jake Cuenca at Chie Filomeno? Natsitsismis ang dalawa dahil sa mga kumakalat na sweet photos nila sa social media gayundin  ang mga “flirty comments” ng hunk actor sa mga Instagram post ng sexy actress.

At kamakailan, marami ang naintriga sa hot at sexy photos nina Jake at Chie sa social  na kuha sa pictorial nila sa Metro Body in collaboration sa Star Magic.

Before anything, like it’s just, very ano lang, we’ve known each other for a while and we’re enjoying each other’s company,” pahayag ni Jake nang uriratin ito ukol kay Chie.

Wala mang pag-amin sa actor pero kitang-kita naman daw sa tinginan at body languange ng dalawa na tila may something.

Well, let’s wait and see for sure naman aaminin din ang mga ito pagdating ng tamang panahon kung talagang nagmamahalan ang dalawa.