Wednesday , June 24 2026
KathNiel KDLex Kathryn Bernardo Daniel Padilla KD Estrada Alexa Ilacad

KathNiel at KDLex wagi sa Push Awards 2022

PINANGUNAHAN ng on-and-off screen pairings na KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) at KDLex (KD Estrada at Alexa Ilacad) ang listahan ng mga nanalo saPush Awards 2022, nang masungkit nila ang Power Couple at Popular Love Team of the Year.

Nakuha rin ni Kathryn ang Favorite Onscreen Performance award para sa kanyang stellar acting sa 2 Good 2 Be True. Ang mom of three na si Andi Eigenmann naman ay tumanggap ng Celebrity Mom of the Year award.

Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo ang nagwagi bilang Music Artist 2022 habang ibinigay ng ACEs sa BGYO ang P-pop Group of the Year. Si Adie naman ang kinilala bilang Breakthrough Music Artist of the Year.

Ang mga trending content creators tulad nina Cong TV at Viy Cortez ng Team Payaman ay tumanggap ng Content Creator of the Year, si Kristel Fulgar ang nakakuha ng Social Media Personality at napanalunan ni Niana Guerrero ang Push Trending TikToker.

Kinilalang Push.com.ph ang mga world-class celebrities na nag-uwi ng karangalan sa bansa na sina Dolly De LeonJodi Sta. Maria, at John Arcilla sa isang special non-voting category na Push Inspiration Award.

Ang mga nanalo mula sa lahat ng kategorya ay inanunsyo noong Marso 31 sa social media at nakatanggap ng NFT (Non-fungible token) digital trophies.

Ang Push Awards 2022 ng entertainment website na Push.com.ph ay patuloy na kinilala at binigyang parangal ang mga celebrities at influencers na may hatid na tuwa at inspirasyon sa l fans at netizens.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …

Mister and Miss Lipa 2026

Pambato ng Brgy Sampaguita at Tambo wagi sa Mister & Miss Lipa Tourism 2026

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KLIMA. Mayamang pamana. Mamamayan ng Lipa. Biyaya. Pagtitiwala. Layunin. Ilan ito …

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …