Tuesday , October 3 2023
Bamboo Camp Kawayan The Voice Kids

Bamboo unang coach na nakakompleto ng team sa The Voice Kids

NALALAPIT na ang pagtatapos ng mga blind audition nang unang mapuno ni Bamboo ang kanyang team na Kamp Kawayan na kinabibilangan ng 18 miyembro sa The Voice Kids noong Linggo (Abril 2).

Malugod na tinanggap ni Bamboo ang dalawang kalahok na nakakompleto ng kanyang team na sina Ma. Christina Aguilar ng Nueva Ecija at Abigail Libosada ng Bukidnon, kapwa 12-anyos.

I will put you in a comfortable position where you can show your best pa. Next time we sing that same song in front of our coaches here, that’s gonna be Kamp Kawayan material,” sabi ni Bamboo kay Abigail matapos nitong mapabilang sa kanyang team.

Sa kabilang banda, isang puwesto na lang ang natitira sa Team Supreme ni KZ Tandingan matapos sumali sa kanyang team ang 3-chair turner na si Leira Raynes (12) ng Caloocan, habang may dalawang puwesto na lang ang MarTeam ni Martin Nievera matapos matanggap si Vino Fernandez (10) ng Laguna.

Bukod sa mga dumagdag sa mga team noong Sabado at Linggo, nakasali na rin sa Kamp Kawayan sina Janriel Villacruel (9) ng Muntinlupa, Girah Paguiragan (9) ng Ilocos Norte, Kirsten Uy (12) ng Quezon, Akiesha Singh (12) ng Bulacan, Charyl Pardo (10) ng Cebu, at Shane Bernabe (12) ng Laguna.

Samantala, dumagdag sa Team Supreme ang mga mahuhusay na bulilit na sina Zoe Quizol (10) ng Quezon City, Noah Donggon (12) ng Bulacan, Marc Antilion (11) ng Dubai, Princess Villanil (12) ng Pasay, Lucho Bobis(11) ng Cagayan, at Janicka Lorenzo (11) ng Bulacan.

Kasama rin sa MarTeam ang mga batang mang-aawit na sina Kendall Valerio (6) ng Bulacan, Jade Casildo (11) ng Tarlac, Krizel Mabalay (12) ng Nueva Ecija, Sean Matthew Drece (12) ng Batangas, Misha Tabarez (10)ng Laguna, Billy Lontayao (10) ng Taguig, Camille Mataga (12) ng Valenzuela, at Rai Fernandez (12) ng Camarines Sur.

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Chair Lala ‘di nagpatinag sa panawagang pagre-resign

I-FLEXni Jun Nardo HINDI nagpatinag si MTRCB Chairwoman Lala Sotto sa panawagan ng ilan na mag-resign na …

Metro Manila Film Festival, MMFF

30 movies magbabakbakan sa 4 slots ng MMFF 2023 

I-FLEXni Jun Nardo THIRTY movies  ang nakaabot sa September 29 deadline ng pagsumite ng tapos …

Richard Gutierrez Jake Cuenca

Richard Gutierrez, James Bond ng ‘Pinas; The Iron Heart manggugulat sa pagtatapos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TINIYAK ni Richard Gutierrez na manggugulat at pasabog pa rin ang mapapanood …

Pops Fernandez Viva Boss Vic del Rosario

Pops excited sa magiging apo, magpapatawag ng ‘LoliPops’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAKAS na bakas kay Pops Fernandez ang kasiyahan nang maurirat ang nalalapit …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star wa na ker mabuking man na siya ay bading

ni Ed de Leon HINDI man tuwirang inaamin ng isang male star na siya ay parang tutubing …