Friday , July 26 2024
Enchong Dee Here Comes The Groom

Enchong hinangaan ang pagiging transwoman

I-FLEX
ni Jun Nardo

TRANSWOMAN ang character ni Enchong Dee sa unang pagkakataon sa movie na Here Comes The Groom na isa sa entries ngayong Summer Metro Manila Film Festival.

Soul-swapping ang tema ng movie na sequel sa hit movie na Here Comes The Bride. Napunta sa katawan ng isang babae ang katauhan ni Enchong kaya kilos babae ang galaw niya.

Hindi ba siya natatakot na baka magsunod-sunod ang offers sa kanya sa transwoman role?

Basta mahal ang bayad! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Enchong sa mediacon after ng screening ng movie.

Kidding aside, time to move out of the box. May nangyari sa akin in the past kaya hindi ako tumatanggap ng ganoong role.

“Eh now, okey na ako. Wala na akong pakialam sa sasabihin sa akin basta gusto ko ‘yung role!” deklarasyon pa ni Enchong.

Kasama ni Enchong sa movie sina Miles Ocampo, Maris Racal, Awra Briguela, Gladys Reyes, Keempee de Leon (na pasabog bawat gawin sa movie), Nico Antonio, Tony Labrusca, Kaladkaren at iba pa.

Mula ito sa direksiyon at panulat ni Chris Martinez na nagbabalik muli sa pagdidirehe ng movie na produced ng Quantum Film, CineKo, at Brightlight.

About Jun Nardo

Check Also

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …