Tuesday , April 23 2024
Carlo Aquino Eisel Serrano

Carlo ‘nainlab’ sa isang baguhan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI naman nahirapan si Carlo Aquino na magkaroon sila ng bonding at maging close ng leading lady niya sa pelikulang Love You Long Time, si Eisel Serrano, isa sa official entry sa 2023 Metro Manila Summer Film Festival na handog ng Studio Three Sixty na si Eisel Serrano.

Ayon kay Carlo sa ginanap na mediacon sa Kamuning Bakery Cafe dahil noong 2021 pa nila ginawa ang pelikula, nagkaroon sila ng mahabang pagkakataon para magkakilanlang mabuti. “Lock-in kasi ang shooting that time dahil 2021 namin ginawa itong movie kaya marami kaming time to bond. Bago mag-shoot tambay, after ng shoot tambay,” anang aktor.

Ukol naman sa kung paano niya nabigyan ng guidance si Eisel, na ngayon lamang magbibida bagamat nakagawa at nakalabas na sa ilang mga pelikula, sinabi ni Carlo na, “marami namang nagga-guide kay Eisel that time si Ate Pat, si Chad, si direk JP. Hindi ko kasi alam kung nasusuportahan ko siya pero kung ano ang naibibgay ko, ibinibigay ko.”

Super puri naman si Eisel sa magaling na aktor. “Siyempre may mga tanong din ako sa kanya that time and super patient si Carlo kasi siyempre bago lang ako at may mga nauulit na scenes at marami silang sinasabi sa akin at minsan naguguluhan pero nakitaan ko siya ng patience. Hindi siya nagagalit, hindi siya nagre-react, walang attitude,” ani Eisel ukol sa pelikula nilang drama-romance.

Bago pa nabigyan ng launching movie, lumabas na sa ibang pelikula ang newbie leading lady. “Na-launch po kasi ako before pandemic happens right after so medyo limited pa po ang nagawa ko pero I’ve done four episodes of ‘MMK,’ ‘Anak ng Macho Dancer’ and ‘Kontrabida’ na hindi pa naipalalabas with Nora Aunor.”

Sinabi pa ni Eisel na nagulat talaga siya nang malamang si Carlo ang makakapareha niya. “To be honest po at first nagulat ako siyempre ang ine-expect ko iyong mga ka-level, mga ka-edad. iyong mga ka-batch. Hindi naman ganoon kalayo ang aming edad. Siyempre may intimidation po roon at kinakabahan kasi Carlo Aquino iyan. Pero when we were shooting na the movie hindi naman po iyon ipinakita ni Carlo iyon sa akin. Sobrang bait po at hindi ipinaramdaman na bago ako at matagal na siya, veteran na siya kaya hindi ko rin ine-expect na magkakatrabaho kami. Kaya hindi po ako nahirapan at naging maganda ang pagsasama namin sa pelikula.”

Ang Love You Long Time ay ukol sa young romance screenwriter na nakaranas ng kanyang biggest heartbreak kaya nagkulong at humiwalay sa mga tao hanggang may makilala at nainlab sa isang misteryosong lalaki na nakakausap niya sa telepono. 

Hatid ng Studio Three Sixty, ang Love You Long Time ay idinirehe ni JP Habac at isinulat ni Gena Tenaja.Palabas na at mapapanood sa mga sinehan simula Abril 8.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Shiena Yu Reina Castillo Yuki Sakamoto

Shiena, Reina, Yuki palaban walang pinipiling lugar kapag ‘nag-init’

COOL JOE!ni Joe Barrameda NALOKA ako sa cast ng Wanted Girlfriend ng Viva. Ito ay sina Shiena Yu, Reina …

Ruru Madrid

Ruru Madrid tuloy-tuloy ang dating ng blessings

COOL JOE!ni Joe Barrameda ISANG payat na binatilyo si Ruru Madrid nang pasukin ang mundo ng showbiz …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

Elle Villanueva Derrick Monasterio Kristoffer Martin

Anak ni Elle Villanueva sino ang ama?

RATED Rni Rommel Gonzales #TeamAlex o #TeamSeb ba kayo? Kasing init ng summer ang palitan …

Angel Leighton

Angel Leighton liligwakin na?

RATED Rni Rommel Gonzales MABIGAT ang eksenang hinarap ni Sparkle artist Angel Leighton sa kanyang role bilang …