Monday , March 4 2024
Krista Miller Nika Madrid Andrew Gan

Krista Miller ‘nakipagkainan’ kay Nika Madrid

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI nagdalawang isip ang sexy actress na si Krista Miller na aminin na nagkaroon siya ng karelasyon sa kapwa babae. 

Ang pag-amin ni Krista ay ginawa sa media conference ng pelikula nila nina Andrew Gan at Rob Sy na idinirehe ni Greg Colasito mula AQ Prime, ang Upuan.

Ukol sa isang GL (girl’s love) ang Upuan kaya natanong ng ganitong bagay si Krista. Bukod pa sa may mga matitinding love scenes sila ng female co-star niyang si Nika Madrid, aminado si Krista na nag-enjoy siya sa mga intimate scene nila habang ginagawa ito.

Sa kuwento ni Krista, nagkaroon siya ng karelasyon sa lesbian noong high school pa siya pero hindi iyon nagtagal at hindi rin umabot sa malalim na relasyon.

Aniya, “Hindi na siya umabot sa mga touch-touch. Noong hinawakan na niya ‘yung kamay ko, ah, sabi ko, hindi ko kaya.”

Nagsimula ang relasyon ni Krista sa kapwa babae sa pagiging magkaibigan muna nila Puro babae kasi ang kasama niya noon lalo’t sumali siya sa mga beauty pageant.

Nakita ko noon na giniginaw siya. Ibinigay ko ‘yung jacket ko, roon na nagsimula,” pagbabahagi niya.

Sinabi pa ni Krista na hanggang ngayon naman ay naa-attract pa rin siya sa kapwa-babae pero wala siyang love life ngayon.

Nang matanong naman ang ukol sa kanilang kissing scene ni Nika sinabi nitong masarap iyon.

Hindi pala ito ang first time na nakagawa ng ganitong klase ng pelikula si Krista. Noon ay nakagawa na siya at mas matindi pa nang ‘di hamak sa Upuan.

Pero hindi siya katulad ng ginawa namin ni Nika. Sobra-sobrang tindi. Kasi, parang medyo ano lang doon eh, pa-sweet pa. Rito kasi, iba, eh. May kainan, eh,” natatawang deskripsiyon ni Krista sa pelikula nilang Upuan.

Streaming na ang Upuan sa AQ Prime na patuloy na nagbibigay ng trabaho sa movie workers at nakatutulong sa ating film industry.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Sandaran Park

Sandara at Coco pinag-uusapan proyektong pagsasamahan

MATABILni John Fontanilla NASA bansa ngayon ang KPop artist na si Sandaran Park para sa promotion ng …

JK Labajo

JK Labajo naloka nawawalang underwear ibinebenta online triple pa ang presyo

MA at PAni Rommel Placente SA eksklusibong panayam ng PEP.ph sa singer-actor na si JK  Labajo, naikuwento niya …

Tom Rodriguez

Tom sa pagbabalik-showbiz: I feel buo na uli ako

MA at PAni Rommel Placente MAHIGIT dalawang taon ding namalagi sa America si Tom Rodriquez, na …

Sofia Pablo Eras Tour Taylor Swift

Sofia nabogus sa Eras Tour ni Taylor Swift

BIKTIMA ng bogus ticket seller ang Sparkle artist na si Sofia Pablo para sa Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore. Maaga …

Kelvin Miranda

Kelvin tinuligsa pagnguya ng gum habang nasa stage

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG gawing dahilan ni Kelvin Miranda ang pagtago sa kanyang nerbiyos kaya siya ngumunguya …