RATED R
ni Rommel Gonzales
APAT na taon pa ang kontrata ni Dave Bornea sa Sparkle ng GMA Network kaya walang chance na lumipat siya sa ibang TV station.
“I think wala akong balak lumipat eh, happy ako sa network ko.
“I’m so blessed kasi for my seven years of my career wala akong… hindi ako natengga, magaganda ‘yung mga trabaho na ibinibigay nila sa akin, so iyon lang, I’m just giving them back the love and loyalty lang din sa kanila.”
Nasa cast si Dave ng Oras de Peligro na palabas ngayon sa mga sinehan na tampok din sina Allen Dizon, Cherry Pie Picache, Therese Malvar, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Crysten Dizon, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano, at Gerald Santos.
Mula ito sa Bagong Siklab Productions ni Atty. Howard Calleja sa panulat nina Bonifacio Ilagan at Eric Ramos.