Laverne Kuh Ledesma

Laverne gustong maka-dueto si Kuh Ledesma

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGBABALIK-KONSIYERTO ang actress/ singer na si Laverne sa isang  self-titled benefit show: LAVERNEsa February 25, na magiging espesyal na panauhin niya sina  Dingdong Avanzado at Marissa Sanchez  na gaganapin sa Teatrino Theater, Greenhills, San Juan.

Bukod sa nasabing konsiyerto ay mayroon ding bagong handog na awitin si Laverne sa kanyang mga tagahanga at ito ang awiting Kahit Ilang Ulit na available na sa lahat ng digital platform.

Isa sa iniidolo at tinitingalang singer na gustong-gustong maka-collab at makasama sa konsiyerto ni Laverne ang Pinay Diva na si Ms. Kuh Ledesma. Dream come true para sa kanya na nakasama sa proyekto ang mahusay na singer.

After nga ng konsiyerto sa bansa ni Laverne ay may concerts pa itong gagawin sa  USA, Australia at ilang karatig bansa sa Asya.