Monday , March 4 2024
Julia Montes Sharon Cuneta

Sharon wish makatrabaho muli Julia; kahit bawasan pa ang TF ko

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SOBRANG na-touch at ramdam na ramdam ni Julia Montes ang pagmamahal sa kanya ni Sharon Cuneta.

Paano naman grabe ang pagmamahal na ibinibigag sa kanya ni Sharon kaya naman nagsabi rin itong aalagaan at iingatan niya ang tiwalang ibinibigay megastar sa kanya. 

Ani Sharon, “Forever nandito ako habang nabubuhay ako. Mommy niya ako, anak ko siya.

“I will protect her, I will treasure her friendship and her being my daughter that I chose to be my daughter and she chose me to be a mommy also.

“Forever and ever I will treasure that. Mapagkakatiwalaan niya ako sa ups and downs,” sambit ng Megastar.

Naging malapit sa isa’t isa sina Julia at Sharon nang magkasama sa ABS-CBN action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbidahan ni Coco Martin.

Sa mundo natin (showbiz), may taping friends, may co-workers lang. Ito masasabi mo na ‘yung in-offer sa iyo na love ni Megastar, ni mommy Sha, ay hindi ganoon.

“Alam mong on and off cam ay nandiyan siya for you. Maki-keep ko ‘yung love talaga at ‘yun ang matse-cherish ko. Naging thankful ako kung bakit ako napasok sa ‘Ang Probinsyano’ part doon si mommy Sha,” sabi naman ni Julia.

Sinabi pa ni Sharon kay Julia, “Aalagaan ko siya, mamahalin ko siya na parang tunay na anak at lagi akong nandito to protect her, damayan siya at ipadama sa kanya kung mayroon man siyang hindi nadama, kasi ‘yon din ang ibinibigay niya sa akin.”

Ukol naman sa closeness nina Sharon at Julia nasabi ng huli na, “Unexplainable kung paano kami naging close.

“Kasi lahat naman eventually kapag may nakatrabaho ka magiging close mo pero kay mommy Sha parang naging special lang talaga kasi may in-answer si God na question mo for ilang years at ‘yun ang ibinigay niya, ‘yung napag-usapan namin,” sabi pa ni Julia.

At dahil tapos na ang Ang Probinsyano, wish niyang muli silang magkatrabaho ni Julia kahit bawasan pa ang kanyang talent fee.

Ang bongga ni Sharon ha! 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

KMJS Jessica Soho 1000

KMJS naka-1000 episodes na

RATED Rni Rommel Gonzales SANA all nagtatagal. Sana nga lahat ay gaya ng Kapuso Mo, Jessica …

Jon Lucas

Jon Lucas ayaw padehado

RATED Rni Rommel Gonzales HIGHBLOOD na naman malamang ang viewers sa mga plano ni Calvin …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle at Derrick happy na extended ang Makiling

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI lang viewers ang masaya sa good news na extended ang Makiling dahil …

Dingdong Dantes Marian Rivera Jose and Marias Bonggang Villa 2.0.

Marian buntis na naman

TABLES have turned dahil from real to reel, magiging mommy and daddy na rin ang Kapuso royal …

Mia Japson Sunkissed Lola JK Labajo

Sunkissed Lola, JK Labajo idolo ng baguhang singer

MATABILni John Fontanilla VERY talented ang baguhang singer na si Mia Japson na alaga ng kaibigan naming …