Thursday , February 29 2024
Paolo Contis Lian Paz Xonia Xalene

Paolo inaming takot sa posibilidad na magalit ang mga anak na si  Xonia at Xalene 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA guesting ni Paolo Contis sa show ni Boy Abunda sa GMA 7 na Fast Talk with Boy Abunda, sinabi niya na sa tuwing pumapasok siya sa isang relasyon ay hindi niya naman pinaplano na umalis at iwan ang taong minamahal niya, ngunit may mga bagay raw talaga na nangyayari na humahantong sa paghihiwalay.

Every time na nasa relationship ako, I really love the person and I think saksi naman ang mga tao how I love. Bigay todo naman talaga akong magmahal. Kaya lang siguro may mga ilang bagay na hindi na alam ng publiko na mga nangyayari privately na roon napupunta, roon nahahantong,” sabi ni Paolo.

Patuloy niya, “Basically lahat naman ng pwedeng gawin para i-save ang relasyon, ginagawa ko ‘yun. Kaya lang ang alam lang ng tao is kapag natapos na. So, nagkaroon ng kaunting reputasyon kung bakit ganoon ang naging tingin sa akin ng tao.”

At para sa kanya, hindi siya ang klase ng taong inilalarawan ng tao at naniniwala siyang mabuti siyang tao na minsan ay nakagagawa ng kamalian.

Fact is lahat ng mali ko, alam ko kaya ako nag-sorry. Kaya ako laging nagso-sorry. I posted an apology because I know I was wrong. Nagrason ba ako? Wala naman akong rason doon sa sinabi ko. I knew I was wrong, I said I was sorry. I don’t want to justify my mistakes because mistake is a mistake,” aniya pa.

Ngayon ay natututunan niyang mag-own up sa kanyang mga kamalian. Ibinahagi rin niya na nagsasabi naman siya ng totoo hindi nga lang sa publiko bagkus sa mga taong involved.

Healing and forgiveness, I think it takes time. Maturity, I believe, isa rin ‘yun sa wala ako noong mga panahon dati. Feeling ko kasi, bata pa ako.

“Actually, last year lang, naisip ko, 39 na ako, hah! Parang ang tanda ko na para magkamali nang ganito so, I’m fixing it.”

Dito ay natanong siya tungkol sa hindi niya pagbibigay ng sustento sa dalawang anak niyang babae na sina Xoniaat Xalene mula sa dating asawa na si Lian Paz

Inamin niyang hindi siya nakapagbibigay.

Pagpapaliwanag ni Paolo, “I had my reasons why, but I’m saving for them. I have some savings for them that, hopefully, one day, I could give them straight.

“As I’ve said, I had my reasons, pero anong point? I don’t wanna argue about it anymore. Ayoko na siyang lumaki. It’s a mistake na nasimulan ko ever since before na hindi ako nakapagbigay.”

Ngunit nang makapagtrabaho raw si Paolo nang maayos ay sinimulan na niyang mag-ipon para sa mga anak at pinaplano niyang ibigay ito straight kina Xonia, Xalene, at Summer.

Si Summer ay anak naman ni Paolo sa dating karelasyon din na si LJ Reyes

Bagamat aware siya na wala siyang relasyon sa mga anak lalo na kina Xonia at Xalene dahil matagal na nang huli niya itong nakita.

The last time I saw my… Xonia and Xalene, mga seven, six or seven years ago when we went to Cebu. And then, naputol na naman,” sey ni Paolo.

Inamin niya rin na natatakot siyang dumating sa puntong magalit sa kanya ang mga anak.

Nang tanungin naman ni Tito Boy si Paolo kung mahal niya ang mga ito, sinagot niya ito ng “sobra” at sinabing nais niyang bumawi sa mga bata.

“‘Yung sa dalawa (Xonia at Xalene), ‘yun, medyo malalim-lalim na ‘yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi,” saad ni Paolo.

Lubos din siyang nagpapasalamat sa dating asawa at sa kasalukuyang partner nito na tumulong sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.

And I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata. Roon, suwerte ako kasi mabait ‘yung John, eh…” umiiyak na sabi ni Paolo.

Ang John  na tinutukoy ni Paolo ay si John Cabahug, ang fiancé ni Lian na siya ring kinikilalang ama ng kanyang mga anak.

About Rommel Placente

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …