Tuesday , February 27 2024
Celeste Cortesi Miss Universe 2022

Miss Universe mapapanood live sa iba’t ibang ABS-CBN platforms

MAS maraming Pinoy ang makakapanood ng laban ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 dahil ipalalabas sa iba’t ibang ABS-CBN platforms ang ika-71 na edisyon ng pinaka-inaabangang pageant sa buong mundo.

Mapapanood nang live ang kompetisyon sa New Orleans, Louisiana sa Enero 15 (Linggo), 9:00 a.m. sa A2Z Channel 11 sa free TV, sa Kapamilya Channel, at Metro Channel sa cable TV, o online sa iWantTFC.

Tiyak na mas marami ang makasusuporta sa pambato ng bansa na si Celeste. Umangat siyang kampeon ng Miss Universe Philippines 2022 noong Abril matapos masungkit ng samo’tssaring parangal kabilang ang Miss Photogenic at Best in Swimsuit.

Sa kanya kaya mapapasa ang korona na hawak ngayon ni Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu ng India? May 85 beauty queens mula sa iba’t ibang bansa ang makakaharap ni Celeste para sa titulo ng Miss Universe 2022.

Subaybayan ang 71st Miss Universe competition nang live mula sa USA sa Enero 15, 9:00 a.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, at iWantTFC.

Maaari ring mapanood ang same-day replay ng 10:30 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Metro Channel, TV5, at iWantTFC. Magkakaroon din ng mga replay sa Metro Channel sa ibang araw sa loob ng linggo.

About hataw tabloid

Check Also

Sylvia Sanchez Lorna Tolentino

Sylvia hataw ang tandem kay LT, Nathan Studios mas magiging aktibo ngayong taon

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING abalang-abala ngayong taon ang premyadong aktres na si Sylvia …

David Pomeranz When Magic Hurts

David Pomeranz ipinagkatiwala kantang Got to Believe in Magic sa pelikulang When Magic Hurts

I-FLEXni Jun Nardo PUMAYAG ang foreign singer na si David Pomeranz na gamitin ang kanta niyang Got To …

Blind Item, Man Woman Fighting

Actress-host wa na epek ang pamba-blackmail na magpapakamatay kay poging BF

I-FLEXni Jun Nardo ON and off ang relasyon ng showbiz couple na ang babae ay …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Batikang showbiz gay nalansi ni poging kontesero na make-up artist din pala

ni Ed de Leon MINSAN talaga ano man ang talino ng matsing, nau-unggoy pa rin. …

Vilma Santos

Ate Vi sa fans — Hindi ako magsasawang bigyan ng priority ang kanilang kasiyahan

HATAWANni Ed de Leon ANO nga ba ang halaga ng isang acting award? Bigyan ka …