Thursday , September 21 2023
BB Gandanghari Daniel Padilla

BB Gandanghari dagsa ang offers, wish makatrabaho si Daniel

MA at PA
ni Rommel Placente

NASA bansa ngayon si BB Gandanghari. Umuwi siya rito mula sa ilang taong pamamalagi sa America para makasama sa pag-celebrate ng Pasko ang kanyang pamilya.

“What a comeback! I am very, very excited finally! After seven years, I was able to see my mom again, my brothers, and all of you guys. Alam niyo naman sa America, simpleng tao tayo roon and I am here again,” ang tuwang-tuwang pahayag ni BB sa isang interview sa kanya.

Super happy at nagpapasalamat si BB na nabigyan siya ng pagkakataon na makauwi sa Pilipinas makalipas ang ilang  taong pamamalagi sa Amerika.

Aniya, baka ma-extend nang ma-extend ang pamamalagi niya sa bansa dahil sa dami ng offer  na magbalik-showbiz.

“Mayroong offer and hopefully matuloy lahat ‘yun, mayroon ding offer na pelikula, sana matuloy din,” sey ni BB.

Kung mabibigyan ng chance, gustong-gustong makasama ni BB sa isang teleserye o pelikula ang pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Dream come true para sa kanya kung sakaling makatrabaho niya ang boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Samantala, happy din si BB na tanggap na tanggap na siya ngayon ng mga Filipino pati na rin ang iba pang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Kung napanood niyo ang vlog ko na nagpunta ako ng Binondo. Lumakad ako roon walang nambastos. Not even once and everyone is very welcoming and loving so I can’t really asked for more,” kuwento pa niya.

About Rommel Placente

Check Also

Barbie Forteza David Licauco Maging Sino Ka Man trending

Maging Sino Ka Man trending

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng sambayanan ang pagbabalik-primetime ng phenomenal love team nina Kapuso Primetime …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS

Secret Slaves tinutukan at pinag-usapan

RATED Rni Rommel Gonzales MULI na namang ipinamalas ng GMA Public Affairs ang husay sa paggawa ng …

Kapuso Mo, Jessica Soho KMJS Asia Contents Awards

KMJS nominado sa Asia Contents Awards;  Facebook followers 30M na 

RATED Rni Rommel Gonzales MULI na namang itataas ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang bandera ng …

Shira Tweg Net25 Starkada

Net 25 ipinakilala 32 talented Starkada

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang talented young star na Shira Tweg dahil isa siya sa first batch na …

Donita Nose Super Tekla

Donita Nose kering makipaglaplapan kay Tekla

MATABILni John Fontanilla HANDANG makipaglaplapan kay Tekla ang singer & comedian na si Donita Nose if ever na mabibigyan …