Geraldine Roman Whamos Cruz Antonette Gail Whamonette

Whamos may panawagan kay Cong. Geraldine

FOLLOWER pala ni Bataan Cong. Geraldine Roman ang mag-asawang Whamos Cruz at Antonette Gail ng Whamonette vlog kaya naman humiling itong maging ninang ng kanilang anak.

Panawagan n kilalang content creator at Tiktoker kay Roman, “Gusto kitang maging kumare, bilang ninang ng ipapanganak pa lang na anak ko.”

Matagal na palang sinusundan ng mag-asawa ang mga post ni Bataan District 1 Representative Roman.

“Gustong-gusto ko ang mga sinasabi niya, pati na ang mga payong ibinibigay niya,”  lahad ni Whamos sa kanilang malaganap na vlog.

Ipinakiusap pa nito  sa kanyang followers na i-tag si Cong. Geraldine para makarating ang kanyang panawagan. 

At nakarating naman sa kongresistat at dininig ang hiling ng mag-asawa. Naganap ang kanilang masayang pagtatagpo. Ito ang kuwentong ihahatid sa atin ni Rep. Roman sa kanyang You Tube vlog, Geraldine Romantikna mapapanood simula bukas, Miyerkoles, Enero 4, 7:00 p.m..

Abangan kung paano sila naging magkumare at kumpare sa isang masaganang Bagong Taon. (MValdez)