Wednesday , December 7 2022
Philippine World Taekwondo Championship
ng Finland sa men’s -63kg sa Biyernes. (HATAW Sports).  Masaya ang Philippine Taekwondo team (mula sa kaliwa) Joseph Chua, Alfritz Arevalo, Baby Jessica Canabal, Laila Delo, team manager Rocky Samson, oach Caloy Padilla at Paul Romero kasama sina head of delegation  dating Senator Nikki Coseteng at deputy  dating Zambales Congresswoman Cheryl Dolosa sa opening ceremony. (HENRY TALAN VARGAS)

Pinoy Jins hahataw na sa World Championship

GUADALAJARA, Mexico – Makakalaban ng Southeast Asian Games multi-medalist na si Laila Delo si Vaness Koerndl ng Germany para simulan ang kampanya ng eight-man SMART/MVP Sports Foundation Philippine Team sa World Taekwondo Championship, opisyal na nagbukas nitong Lunes (Martes sa Maynila) sa Centro Acuatico CODE Metropolitano.

Nakatakda ang first match ng 21-anyos na si Delo mula sa Unibersidad ng Santo Tomas kontra Koerndl sa women’s -67 kgs class na nakatakda sa Martes (Miyerkoles ng gabi sa Maynila).

Sinabi ng team manager at technical head na si Rocky Samson, mabigat ang hamon sa Filipino jins bunsod ng katotohanan na kabilang sa mga kalahok ang mga world rank athletes na pawang naghahabol makalikom ng puntos para makalusot sa 2024 Paris Olympics.

“Ready naman tayo, pero ready rin ang mga kalaban natin. May advantage pa sila dahil huminto tayo sa pagsali sa abroad dahil sa pandemic habang nagpatuloy pa rin sila. Walang patapon na fighters dito, but I like our chances and I’m firmly believe na makaiwas lang sa injury at masaktan nang todo makasu-survive ang atleta natin going to medal round,” pahayag ni Samson, nagsisilbing Secretary General ng Philippine Taekwondo Association (PTA).

Magbibigay ng mga plano at estratehiya sina coach Raul Romero at World Championship veteran Carlos “Caloy” Padilla. Ang pinuno ng delegasyon ay si dating Senador Anna Dominique “Nikki” Coseteng, kasama si dating Zambales Congresswoman Cheryl Dolosa Montalla bilang kanyang deputy.

Ang paglahok ng National Team dito ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC).

Pormal na binuksan nitong Linggo ng gabi ang kompetisyon na may kalahok na 755 fighters mula sa 122 bansa sa isang magarbong seremonya at parada ng mga atleta.

Itinampok na palabas ang pagtatanghal ng kilalang Korean Taekwondo Demo Team at Mexico’s National synchronize swimming team.

Ang Tokyo Olympian na si Kurt Bryan Barbosa ang flag-bearer para sa Team Philippines.

Target ng ipinagmamalaking anak ng Bangued, Abra na makabawi mula sa desmayadong kampanya sa 2019 edition na nagnanais burahin ang kanyang hindi malilimutang tungkulin sa 2019 edisyon sa Manchester.

Ang kanyang first-round draw laban kay Sanoh Lancery ng Republic of Guinea sa men’s -54 kgs ay ang huling kaganapan sa 16 kategorya na nakatakda sa Biyernes.

“Saka promise ko po sa pamilya ko at kababayan sa Abra na babawi ako rito. At least mabigyan ko sila ng kasiyahan after so much pain dahil sa lindol na sumira sa aming bayan lately,” sambit ni  Barbosa, unang Filipino taekwondo jin na nakalaro sa 2021 pandemic-delayed Olympics mula nang sumabak si Tshomlee Go noong 2008 edition.

Makakasama niyang lalaban sa Biyernes ang SEAG multi-medalist at kasangga sa National University na si Baby Jessica Canabal na makahaharap ang Bulgarian na si Selen Gunduz sa women’s -53 kgs.

Sasabak ang bagito sa World Championship na si Alfritz Arevalo kontra  Alin Ali ng Sweden sa men’s -68 kgs first match sa Miyerkoles  (Huwebes sa Manila), kasunod si SEA Games veteran Dave Cea laban kay Japanese Yasahuro Hamada sa men’s -74kgs sa Huwebes at masusubok si Joseph Chua kay Niko Saarinen

About hataw tabloid

Check Also

Kim Steven Yap

Manny Pacquiao International Open Chess Festival tutulak sa 13 Disyembre

MANILA — Ang pinakamalaking chess competition sa bansa, ang Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) tampok …

Antonella Berthe Murillo Racas Chess PAPRISA

WNM Racasa nanguna sa PAPRISA Chess Meet

MANILA — Nakopo  ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa ang pangkahalatang liderato sa …

Jako Concio Jr Chess

IM Michael “Jako” Concio Jr., muling nanalasa sa GMG Chess tourney

MANILA — Muling nanalasa si International Master Michael “Jako” Concio Jr., ng Dasmariñas City, Cavite, …

Roel Esquillo Billiards

Caloocan City punong abala sa P212,000 10-Ball Open sa Cocoy’s Billiard Hall

MANILA — Magsisilbing punong abala ang Lungsod ng Caloocan sa country’s top players sa pagtumbok …

Paragua and Barbosa Chess

Pasig makikipagtuos sa San Juan, Davao versus Negros

MANILA — Dumaan muna sa butas ng karayom ang Pasig City King Pirates at Davao …