Saturday , July 27 2024
Charo Laude Nadine Lustre Deleter

Charo Laude, bilib kina Nadine Lustre at Joaquin Domagoso

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD sa dalawang movies si Charo Laude very soon, na parehong horror ang tema.

Una ay sa That Boy in the Dark starring Joaquin Domagoso at ang MMFF entry na Deleter ni direk Mikhail Red na tinatampukan nina Nadine Lustre, Louise delos Reyes, at McCoy de Leon.

Ang former Mrs. Universe Philippines na si Ms. Charo ay gaganap na mother ni Joaquin sa pinagbibidahang pelikula ng young actor, samantala sa Deleter ay kasamahan naman siya sa trabaho ni Nadine.

Wika ni Ms. Charo, “This is something new and besides mahilig talaga akong mag-watch ng horror movies. Exciting gumawa ng ganitong projects na naiiba talaga.

“Ang tema ng unang movie ay may pagka-horror, kaya kakaiba siya and dito ay ibang klaseng acting ang ipinakita ni Joaquin. Napakagaling niyang actor and masarap katrabaho.

“Nakatutuwa dahil ang daddy niya na si isko ay ka-member ko sa That’s (Entertainment) Monday group at same ang manager namin, si daddy Wowie Roxas.”

Pahabol niya, “Exciting gawin ang project na ito and kahit sa set, iyong feeling na nakatatakot na nadadala ka sa eksena…? Plus dito ay ibang nanay ang role ko, not like as glamorous mom na tulad sa ibang naging role ko.”

Idinagdag niyang iba ang kanyang naramdamang saya dahil nakapasok sa Metro Manila Films Festival 2022 (MMFF) ang kanilang pelikulang Deleter.

“Sobrang happy, kasi first time ko ito sa MMFF and ‘di ko expected na makasama rito as a Viva artist talent, so happy and excited talaga ako.

“Sa movie na ito, napakagaling ni Nadine at lahat ng mga artista like sina Jeffrey and Louis, McCoy… lalo na si direk Mik, sobrang cool sa set at napakagaling at mabait. Talagang ‘di kami pinabayaan, kahit sa trailer ng movie ay talagang makikita mo ang suporta niya,” sambit ni Charo.

About Nonie Nicasio

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine Bermas at Itan Rosales, unang nagkatikiman sa pelikulang Kaskasero

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio UNANG nagkasama sa isang project sina Christine Bermas at Itan …

Mark Anthony Fernandez Mariane Saint Carby Salvador

Mark Anthony bokya kay Mariane

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI issue kay Mark Anthony Fernandez kung nagpapakita siya ng skin sa …