Thursday , June 4 2026
Jasmine So

Jasmine So, tumodo sa pagpapa-sexy sa pelikulang Boso Dos

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHIT newbie pa lang sa showbizlandia ang seksing-seksing si Jasmine So, palaban at walang takot sa hubaran ang Vivamax actress. Maglalaway ang maraming boys sa kanyang kurbada sa vital statistics niyang 36-24-36. 

So far ay nakatatlong pelikula na siya na dapat abangan sa Vivamax. Ito’y ang Alapaap na proyekto ni Direk Brillante Mendoza, Boso Dos ni Direk Jon Red, at Erotica ni Direk Law Fajardo.

Ang pinaka-sexy daw niyang movie so far ay ang Boso Dos.

Esplika ni Jasmine, “Pinaka-sexy ko po ‘yong Boso Dos, kasi wala po talaga akong suot dito, nude kung nude bale, hehehehe. And sa totoo lang, naka-five positions kami ni Bryan Lucio rito, plus wala kami parehong plaster.”

Dagdag ng palabang talent ni Jojo Veloso, “Para sa akin kasi, hindi ako nahihiya na makitang nakahubad… kasi ako iyong taong ‘di nag-iisip ng masama or kabastusan sa iba ‘pag nakakita nang hubad.

“And sa mga sex scene naman namin sa movie, alam naman ng mga tao na acting lang iyon. Base naman sa totoong nangyayari iyong mga story, bale ginagawa lang namin sa pelikula. Kung ano man na sex scene or sexy shoot, it’s all about art para sa akin and I love art, sobra!” Diin ng sexy actress.

Since nagpapa-sexy siya sa pelikula, ano ang magiging reaction niya kapag nalamang pinapantasya siya ng ibang kalalakihan?

“Flattered po ako, kasi ibig sabihin lang niyon, ako ‘yung perfect girl para sa kanila, iyong tipong pinapangarap nila,” nakangiting sambit ni Jasmine.

 -30-

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …