Wednesday , November 13 2024
nbp bilibid

Sa ika-117 annibersaryo
1,000 REKRUT PARA SA BILIBID 

ISANG LIBONG rekrut sa layuning baguhin ang Bureau of Corrections (BuCOR).

Kasabay ng ika-117 anibersaryo ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong araw, Lunes, 7 Nobyembre, magsasagawa ng job fair para sa 1,000 bakanteng puwesto.

Ayon kay BuCor, officer-in-charge Gregorio Catapang, Jr., may 1,000 bakanteng trabaho ang nakahanda sa bureau para sa ‘new blood’ sa organisasyon na magsisilbing ‘nucleus’ ng ahensiya.

Ang mga nakapasa sa civil service examinations ay inananyayahang mag-aplay.

“Pagtulungan natin na baguhin itong BuCor,” ani  Catapang sa panayam ng Teleradyo.

Dagdag ng opisyal, ang values na natutuhan sa Philippine Military Academy (PMA) ang dapat itanim sa mga tauhan ng ahensiya.

“Imagine one thousand ‘yan, ‘yan ang magiging nucleus ng pagbabago sa BuCor,” aniya.

Kaugnay ito sa mga nabubunyag na iregularidad sa loob ng national penitentiary.

Ibinulgar ni Catapang na ang nakuhang higit 7,000 beer in cans at iba pang kontrabando ay naipapalusot umano papasok sa Maximum Security Compound  ng NBP, sa pakikipagsabwatan ng BuCor personnel at Bureau of Jail Management and Penology officers. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …