Tuesday , August 9 2022
Floyd Mayweather jr private jet

Floyd Mayweather bumili ng ‘private jet’  na nagkakahalaga ng $50M

TODO ang pagpapasarap sa buhay ni Floyd Mayweather Jr,  isa sa pinakagaling na boksingero sa kasaysayan ng boksing,  nang bumili ito ng isang ‘private jet’ na nagkakahalaga ng $50M.

Matatandaan na kamakailan lang ay bumili ng isa pang Rolls-Royce Cullinan  ang  pinakamayamang boksingero sa mundo gayong meron na siyang isa.

Si Mayweather, 45, na tinaguriang ‘Money’ at tinatayang may $625 million network ay mahilig mag-travel  na may istilo kaya tinitiyak niya na magarbo ang kanyang gamit na sasakyan.  Ang madalas na destinasyon ni Floyd ay ang Monte Cristo, Hong Kong, Bali, Fiji at Tokyo at iba pa.

Ang Gulfstream G650 jet na tinaguriang Air Mayweather ay merong matitinding ‘interior features’ katulad ng mamahaling leather seats at may magarbong  kama  para siya makapagpahinga habang minamasahe  ng masahista.

Meron din ang jet na in-built entertainment system para hindi siya mainip sa biyahe.

Taglay din ng Air Mayweather ang satellite phone na bihira sa isang luxurious private planes.  Nagagamit niya iyon habang tumatahak ang kanyang jet sa paroroonan. 

Sa labas ng jet ay may naka-print sa gilid nun na letrang TBE na nangangahulugan ng ‘The Best Ever.’

Nagretiro sa boksing si Mayweather na  may may perfect 50-0 record nung 2017 pagkaraang talunin niya si UFC superstar Conor McGregor.

Pagkaraan ng kanyang professional fight sa ring ay puro exhibition bout na lang ang kanyang hinarap para lalong kumita ng limpak-limpak na salapi. 

About hataw tabloid

Check Also

Chess

Prince Maverick naghari sa GM Balinas Training Center 1st Anniversary

NAGPAKITANG GILAS ang 19-anyos na si Prince Maverick Cornelio ng Poblacion, Pamplona matapos makaipon ng …

Dave Apolinario

Gideon Buthelezi tulog sa 1st round kay Pinoy prospect Dave Apolinario

IMPRESIBO ang ipinakita ni Filipino prospect Dave Apolinario nang patulugin niya sa 1st round ang dating …

Marlon Bernardino Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

NM Bernardino nagkampeon sa 1st  Ever Avocadoria FIDE Rated Rapid Chess Tournament

MARIKINA CITY—Tumapos si last-minute entry National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. sa 11-Round tournament, …

3x3 Wheelchair Basketball ASEAN Para Games

PH cagers tinalo ang Indons sa 3×3 Wheelchair Basketball

SURAKARTA, Indonesia – Inasahan si Alfie Cabanog sa inside game para talunin ng Team Philippines …

Buenaflor Cruz ASEAN Para Games Go for Gold

Hamon ni Buenaflor Cruz sa Pinoy bets “Go for Gold”

SURAKARTA, Indonesia – “Let’s go for the  gold!” ito ang hamon ni Buenaflor Cruz, ang …